4. Intindihin Natin!
1. Ano ang ipinababatid ng unang larawan?
2. Kung ikaw ay makakikita ng ganito, ano ang sasagi sa isipan mo?
1. Sa pangalawang larawan, sino ang maaring sisihin sa sitwasyon na
ito?
5. Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na
"Sino ang paborito ni Nanay“ o "Sino ang paborito ni Tatay." May
halong inggit, kung minsan, ang pagpapabor ni Nanay kay
Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya. Naghihinanakit
naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga
magulang kay bunso. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano
ang naramdaman mo? Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?
6. Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May mahuhusay sa
pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May magaganda at makisig
ang katawan kahit na hindi nag-eehersiyo. Mayroon din naming tabain at kailangang
magingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, hindi maiiwasan ang paghahambing
sa isa’tisa. Nagkakaroon ng inggitan. Nagkakaroon din naman ng pakiramdam ng pagiging
mas angat. Natural ang ganitong mga pakiramdam. Subalit bago lumalim ang pakiramdam
at tumungo sa sama ng loob, marahil magandang balikan ang karanasan at tingnang
Mabuti kung nagkulang ba ang pagmamahal sa ating magulang o sadyang naghahangad
lang tayo nang higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang ekonomiya na
hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan.
8. Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa
isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng
Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad
na anyo, katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi
rin naming hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling
nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga taong
yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa
kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan sa mundo.
Pagkakapantay-pantay
9. Isa sa mga gitnang posisyon ay ang posisyon ng
pilosopong si Max Scheler. Para kay Scheler, bahagi
ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan. Nasa hulma ng ating
katawan ang kakayahan nating maging isang sino.
• Ang taong matangkad ay sadyang may panguguna
sa basketbol kaysa maliliit.
• Ang babae ay mas may taglay na karisma upang
manghalina kaysa lalaki.
• May timbre ng boses ang hinahanap upang maging
tagapagbalita sa radyo.
• May linaw ng mata na hinihingi sa pagiging isang
piloto. Idagdag pa rito ang iba pang aspekto ng
kasinohan ng tao.
Ang kanyang kinagisnan, ng pagpapalaki sa kaniya,
ang mga koneksyon ng pamilya, ang kanyang lahi,
relihiyon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay naglalatag ng
maaabot ng tao.
10. • Ngunit, sinasabi rin ni Scheler na dahil na rin sa hindi pagkakapantay-pantay
na ito, kailangang sikapin ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan. Hindi dahil maliliit ang manlalaro ng
basketbol hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa
kaniyang paglalaro. Hindi niya maaabot ang naaabot ng matangkad ngunit
mayroon siyang magagawa sa bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba
sa kanya sa matangkad. Kailangan lamang niya ng tiwala at pagkakataon.
11. Mayroon ka bang magagawa sa bukod-tangi mong paraan na
magpapaiba sa iyo sa pangkat o organisasyong
kinabibilangan mo?
12. Malabo? Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer
ang pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na
lamang ang tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro
ang mga tuntunin sa Math sa kapwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na
kailangan ng ibayong pag-akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang
husay ni Elmer, maaaring bigyan siya ng dagdag na mga Math problems na
kanyang pag-aaralan.
13. Tugma ito sa tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio,
ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa
madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa
kanilang. Kailangan maging patas ayon sa kakayanan, ayon sa
pangangailangan.
14. Kung mayroon man tayong isandaang tinapay na dapat ipamigay sa
isandaang tao, ano ang pinakamabisang paraan ng pagbabahagi nito?
Bibigyan ba ang lahat ng tig-iisang tinapay o bibigyan ang mga tao nang ayon
sa kanilang hinihingi? Baka may ibang busog pa o kaya naman ay mahinang
kumain. Baka may ibang may sakit o mas gutom. Hindi ba’t pinakamabisa at
masinop na paraan ang pagbabahagi ng tinapay ayon sa huling batayan?
15. Marahil magpipilit ang iba at sasabihing, “bakit hindi na lang ibigay ang tinapay
sa lahat at bahala na ang mga nakatanggap na ipamigay o ibahagi sa iba ang
sobra sa kanila?” Maganda ang hangarin ng ganitong pag-iisip. Umaasa ito sa
kabutihang loob na taglay ng bawat isa. Naniniwala ito sa kakayahan ng tao
na gumawa ng matinong pagpapasya para sa kaniyang sarili at para sa iba.
Ngunit may sinasabi rin ito ukol sa pagtingin ng tao sa tinapay mula sa
halimbawa sa itaas, o sa anomang yaman na ibabahagi sa mga tao, sa mas
malakihang pagtingin.
Pero hindi patas!
16. Una, tila tinatali ng tao ang kaniyang sarili sa bagay. Na kung hindi siya
makakakuha ng bagay, bumababa ang kanyang halaga bilang tao. Kung
hahayaan niya na ang iba lamang ang mabigyan ng tinapay, para siyang
nagpapalamang. Para niyang binitiwan ang tinapay na karapatan naman niya
talaga. Pakiramdam niya ay nagpapaapi siya. Mali ang ganitong pananaw.
Hindi sa tinapay nagkakaroon ng halaga ang tao. Una ang halaga ng tao
bago ang tinapay. May tinapay man o wala, may halaga ang tao. May yaman
man ang tao o wala, may halaga pa rin siya bilang tao. Ang tinapay ay
nariyan upang siya ay busugin, palakasin, at paginhawahin.
Ang Tinapay
17. May pangingibabaw siya sa tinapay; hindi ang tinapay sa kanya. Ang
kunin pa niya ang tinapay ay pagsasayang na lamang sa tinapay. Ang pagpilit
naman niyang kainin ang tinapay para masabi lamang na hindi nasayang ang
tinapay ay isang pagsira naman niya sa kanyang sarili. Maaari pa itong
dahilan ngkanyang pagkakasakit
Ang Tinapay
18. Pangalawa, kailangan yatang balikan ang dahilan ng paggawa at pag-aari
(ownership). Bakit nga ba ako nagtratrabaho at nagmamay-ari ng mga
bagay? Nagtratrabaho ba si Tatay para ipagmayabang niya sa kaniyang
kapitbahay ang kanyang kwarta? Bumibili ba si Nanay ng gamit sa bahay para
ibandera sa iba ang kanilang mga bagong appliance? Gumagawa at
nagmamay-ari ang tao hindi upang makipagmayabangan sa iba, ibagsak o
pahiyain ang iba o makipagkompetisyon sa iba. Gumagawa siya dahil nais
niyang ipamalas ang kanyang sariling galing. Nagtratrabaho siya upang
maging produktibo sa kaniyang sarili.
19. Napakaganda ng salitang Filipino para sa trabaho. Ang tawag natin dito ay
“hanap-buhay.” Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang buhay.
Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera kundi para ito sa buhay na
hinahanap niya. Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng kanyang
pagpapagal. Ito rin ay ang mga gamit niya upang matulungan siyang mahanap
ang kanyang buhay.
• Mayroon siyang videoke machine hindi para magingay kundi para magamit
niya sa kanyang pagpapahinga at muling pagpapalakas.
20. • Mayroon siyang telebisyon hindi upang ipagmalaki ang kanyang
kakayahang makabili ng mamahaling gamit kundi upang malibang at
makakakuha ng bagong kaalaman na makatutulong sa muli niyang pagbalik
sa pagtratrabaho.
• Mayroon siyang damit hindi para ipang-porma kundi, dahil kailangan niya ito
upang gawing presentable ang kanyang sarili sa trabaho at sa mga
nakakasalamuha niya. Marapat na ipaalala sa sarili na ang mga gamit sa
paligid at yamang pinagbabahaginan ay hindi iniipon para higit na palakihin
lamang ang yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga layunin ng
tao.
21. Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.
Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa paggawa. Hindi ang
yaman, hindi ang mga kagamitan na mayroon siya o wala, ang
humuhubog sa tao. Ang tunay na mayaman ay ang taong
nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na
kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anomang ibinigay sa
kanya ang kanyang ikayayaman.
22. Ito nga ang prinsipyong iniinugan ng Lipunang Pang-ekonomiya. Ang lipunang ito ay
nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao. Patas. Nakatutuwang malaman na ang pinagmulan ng salitang
“Ekonomiya” ay ang mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”
(pamamahala). Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. Mayroong
sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong pagkasyahin sa lahat ng mga bayarin
(kuryente, tubig, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa) upang makapamuhay nang mahusay
ang mga tao sa bahay, maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang
maging tahanan ang bahay.
Hindi pantay pero patas…
23. Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos na
masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. Pinapangunahan ito ng estado na
nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan. Lumilikha
sila ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga may kapital upang
mabigyan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa
paghahanapbuhay. Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-
ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa
kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng bansa.
Hindi pantay pero patas…
24. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na
siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao—pagkakataon
hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng
kanilang pamumuhay. Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao
sa loob ng Lipunang Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan
ang bansa—isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan
(huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisiskap nilang
mahanap ang kanilang mga buhay.
Hindi pantay pero patas…
25. Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaansagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan kaysa sa
pantayna pamamahagi?
3. Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanap-buhay?
4. Ano ang tamang-ugnayan ng tao sa kanyang pag-aari?
5. Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at pag-unlad ng bayan.
6. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya?