SlideShare a Scribd company logo
1 of 51
Ang Sinaunang Kabihasnan sa
Africa
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula
sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa
hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang
kabihasnan sa Mesopotamia ay mas
naunang nagsimula subalit masasabing mas
naging matatag ang kabihasnang
yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt
ay nabuklod bilang isang estado pagsapit
ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob
halos ng tatlong milenyo.
ANG SINAUNANG
KABIHASNAN SA AFRICA
• Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon
ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang
kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga
isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na
nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa
pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng
ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang
tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang
bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan.
Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa
sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga
kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula
sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang
Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy
na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng
lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Samantala, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na
may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba
ay dumadaloy mula katimugan patungong
hilaga.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Noon pa mang unang panahon, ang Egypt
ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil
kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain
nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa
ng ilog na ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng
pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon.
Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto
lamang noong 1970 nang maitayo ang
Aswan High Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisaayos ang suplay ng
tubig.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-
apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa
lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot
ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-
iiwan ng matabang lupain na mainam para
sa pagtatanim.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim
sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na
dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa
bunganga ng Nile sa hilaga upang maging
latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito
ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop.
Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para
sa mga lupang sakahan.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Upang maparami ang kanilang maaaring
itanim bawat taon, ang mga sinaunang
Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng
tubig at naghukay ng mga kanal upang
padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang
sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay
nangangailangan ng malaking bilang ng
mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at
maayos na mga plano. Ang pagtataya ng
panahon kung kailan magaganap ang mga
pagbaha ay naisakatuparan din sa mga
panahong ito.
HEOGRAPIYA NG EGYPT
• Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka,
ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa
paglalakbay noong mga panahong iyon.
Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa
pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga
disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng
ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga
pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay
nagawang makapamuhay nang mapayapa
at masagana sa loob ng mahabang
panahon.
Kabihasnang
Egyptian
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay
kadalasang hinahati sa mga panahong batay
sa dinastiya ng naghaharing pharaoh.
• Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng
sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na
taglay ang mga lihim ng langit at lupa.
• Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol
sa kanilang nasasakupan.
• Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng
isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng
pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian.
• Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang
pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas,
pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa
kaayusan ng Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga
pamayanang malapit sa Nile.
• Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa
pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol
sa pakikipagkalakalan.
• Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang
sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na
hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o
hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito
ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at
pagtatala ng mga pangyayari
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang
ilang pamayanan ay naging sentro ng
pamumuhay sa sinaunang Egypt.
• Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na
nome o malalayang pamayanan na naging
batayan ng mga binuong lalawigan ng
sinaunang estado ng Egypt.
• Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch,
ay unti – unting nakapagbuklod ng isang
estado sa Nile upang makabuo ng
panrehiyong pagkakakilanlan.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Tungkol saan ang larawan?
________________________________
• Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng
mga sinaunang Egyptian?
_________________________________
________________________________
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng
ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga
alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa
aspektong pangkabuhayan at politikal.
• Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas
intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan.
• Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang
Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno
ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa
Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain
sa mahabang panahon.
• Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng
Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng
pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga
gobernador sa iba’t ibang lupain.
• Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari
ni Menes.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Tungkol saan ang larawan?
________________________________
• Ano ang nais ipahiwatig nito?
_________________________________
_________________________________
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa
Ikatlong Dinastiya ng Egypt.
• Ang mga kahanga-hangang pyramid o
piramide ng Egypt na itinayo sa panahong
ito ay nagsilbing mga monumento ng
kapangyarihan ng mga pharaoh at huling
hantungan sa kanilang pagpanaw.
• Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng
estruktura ay nangailangan ng husay mula
sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo
naman mula sa libo-libong taong nagtayo
nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang
Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na
naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak
na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang
pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang
may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa
Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na.
• Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian
na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito
sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na
itinala ng mga Greek na pinakamagandang
arkitektura sa mundo.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide,
itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa
iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito
ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at
Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at
transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian
sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na
Dinastiya (circa 90 B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng
94 na taon ang kaniyang pamumuno na
nangangahulugang siya ang pinakamatagal na
naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong
gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono.
Namatay siya sa edad na 100.
• Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang
pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina
dahil sa laganap na tag-gutom at mahinang
pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga
opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng
pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan
sa loob halos ng dalawang siglo.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Unang Intermedyang Panahon
Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon
ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng
Egypt.
Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga
panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower
Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang
dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo
naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang
dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt.
Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay
nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang
ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay
pinangalanang Inyotef o Antef.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Anong estraktura ang nasa larawan?
________________________________
• Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na
kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian??
__________________________________________
_________________________________
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang kaguluhang politikal
ay nagtapos nang
manungkulan si
Mentuhotep I. Sa mga
sumunod na naghari,
napag-isa muli ang
Egypt. Nalipat ang
kabisera sa Itjtawy
(ipinapalagay na ngayon
ay el-Lisht) sa Lower
Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I
(1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali
siya sa bahaging Nubia.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o
Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang
kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring
pagkakataon, tinangka niyang palawakin
ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong
ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na
namayani sa loob ng 45 taon.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga
gawain ng karamihan sa mga naging pinuno
ng Ika-12 Dinastiya.
• Sa halip, maraming ekspedisyon ang
nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert
upang tumuklas ng mahahalagang bagay na
maaaring minahin o mga kahoy na maaaring
gamitin.
• Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng
Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian.
Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya
ang namayani sa panahong ito.
• Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga
prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila
ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar
at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa
katimugan.
• Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong
1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob
ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit
ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian.
• Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera,
nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan
ng Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ikalawang Intermedyang Panahon
• Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na
Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa
Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang
kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13
Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng
kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang
Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile
Delta.
• Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes
ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng
Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin
ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang
sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang
pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa
pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng
mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Anong pangkat ng tao ang nasa larawan?
________________________________
• Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa
kasaysayan ng sinaunang Egypt?
_________________________________
_________________________________
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang
panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan
ng Ika-18 Dinastiya.
• Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni
Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa
Egypt noong 1570 B.C.E.
• Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh
mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang
Nubia sa katimugan.
• Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng
lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga
pharaoh.
• Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa
katimugan hanggang sa Euphrates River sa
Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa
ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay
kinilala bilang isa sa mahusay na babaing
pinuno sa kasaysayan.
• Siya ay nagpagawa ng mga templo at
nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang
mga lupain.
• Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang
pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.),
anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na
siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350-
1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang
kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan.
Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng
mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos.
• Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na
nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na
sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi
tinangkilik ng mga pari ang ganitong
pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton,
tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
• Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325
B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa
lamang nang maupo sa trono.

• Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni
Rameses I (1293-1291 B.C.E.).
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Siya ay sinundan nina Seti I (1291-1279
B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.).
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga
panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya
ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting
pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt.
• Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang
lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan
si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito
ang kauna-unahang kasunduang
pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang
imperyo sa kasaysayan ng daigdig.
• Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula
Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli
na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa
kaniyang pagpanaw.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ikatlong Intermedyang Panahon
Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay
pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang
dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na
nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya.
Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.)
na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga
panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang
nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa
pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang
prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang
nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin
ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang
kapangyarihan hanggang sa Memphis.
Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si
Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt.
Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Ano ang nais ipahiwatig ng mapa?
________________________________
• Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang
Empire Age?
_________________________________
_________________________________
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni
Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa niyang
pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt.
• Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E.
Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala
upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain
ang kolonya ng Greece na Cyrene.
• Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang
hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na
humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526
B.C.E.).
• Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang
Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses
II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa
pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng
Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong
lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian
hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina
ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa
kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang
Ika-31 Dinastiya.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The
Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng
kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang
saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng
Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia,
Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India.
Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E.,
naging satrap o gobernador ng Egypt ang
kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang
kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at
pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang
Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob
halos ng tatlong siglo.
• Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng
dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng
Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
KABIHASNANG EGYPTIAN
• Sino ang nasa larawan?
________________________________
• Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian?
_________________________________
_________________________________
GAWAIN 9.
WALK TO ANCIENT
EGYPT
GAWAIN 9: WALK TO ANCIENT EGYPT
Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto
ang dayagram.
PAMPROSESONG
TANONG
PAMPROSESONG TANONG
1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad
sa Mesopotamia?
3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga
sinaunang Egyptian?
4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang
kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan
sa Egypt?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa
kabihasnang Egyptian?

More Related Content

What's hot

Ang Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptAng Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptDesiree Joyce
 
Ang Sinaunang Kabihasnan Sa Ehipto
Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa EhiptoAng    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto
Ang Sinaunang Kabihasnan Sa EhiptoWHS
 
Sinaunang Ehipto
Sinaunang EhiptoSinaunang Ehipto
Sinaunang EhiptoDondoraemon
 
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaLoureAndrei
 
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...SMAP_G8Orderliness
 
Ang Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang GreekAng Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang GreekAngelica
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Yves Audrey Cenas
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdigiyoalbarracin
 
Kabihasnang Minoan
 Kabihasnang Minoan Kabihasnang Minoan
Kabihasnang Minoanedmond84
 
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaMga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaCynthia Labiaga
 
Sinaunang Kabihasnan sa Egypt
Sinaunang Kabihasnan sa EgyptSinaunang Kabihasnan sa Egypt
Sinaunang Kabihasnan sa Egypttwocrowns
 
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang AsyaKabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang AsyaKristine Matibag
 
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...anettebasco
 
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa AsyaAP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa AsyaDanz Magdaraog
 
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at MycenaeanKabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at MycenaeanGLADS123
 
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanMga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanApril Mae Carvajal
 
What's hot (20)

Kabihasnang Ehipto
Kabihasnang EhiptoKabihasnang Ehipto
Kabihasnang Ehipto
 
Ang Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang EgyptAng Kabihasnang Egypt
Ang Kabihasnang Egypt
 
Ang Sinaunang Kabihasnan Sa Ehipto
Ang    Sinaunang Kabihasnan   Sa EhiptoAng    Sinaunang Kabihasnan   Sa Ehipto
Ang Sinaunang Kabihasnan Sa Ehipto
 
Sinaunang Ehipto
Sinaunang EhiptoSinaunang Ehipto
Sinaunang Ehipto
 
Sumerian
SumerianSumerian
Sumerian
 
Kabihasnang Egypt
Kabihasnang EgyptKabihasnang Egypt
Kabihasnang Egypt
 
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
 
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...
Aralin 5: Ang Kabihasnang Klasikal ng america at africa at sa mga Pulo sa Pas...
 
Kabihasnang minoan
Kabihasnang minoanKabihasnang minoan
Kabihasnang minoan
 
Ang Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang GreekAng Kabihasnang Greek
Ang Kabihasnang Greek
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
 
Kabihasnang Minoan
 Kabihasnang Minoan Kabihasnang Minoan
Kabihasnang Minoan
 
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamiaMga unang kabihasnan sa mesopotamia
Mga unang kabihasnan sa mesopotamia
 
Sinaunang Kabihasnan sa Egypt
Sinaunang Kabihasnan sa EgyptSinaunang Kabihasnan sa Egypt
Sinaunang Kabihasnan sa Egypt
 
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang AsyaKabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
 
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
Pag usbong at pag-unlad ng mga klasikal na lipunan sa America, Africa at mga ...
 
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa AsyaAP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
AP III - Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Asya
 
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at MycenaeanKabihasnang Minoan at Mycenaean
Kabihasnang Minoan at Mycenaean
 
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnanMga pamana ng sinaunang kabihasnan
Mga pamana ng sinaunang kabihasnan
 
Viewers also liked

Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoAraling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoJonathan Husain
 
Kabihasnan ng Assyrian
Kabihasnan ng AssyrianKabihasnan ng Assyrian
Kabihasnan ng AssyrianRuel Palcuto
 
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Jonathan Husain
 
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2 Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2 Jonathan Husain
 
Araling panlipunan kasaysayan ng daigdig module
Araling panlipunan   kasaysayan ng daigdig moduleAraling panlipunan   kasaysayan ng daigdig module
Araling panlipunan kasaysayan ng daigdig moduleJonathan Husain
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Viewers also liked (10)

Kabihasnan ng Tsino
Kabihasnan ng  TsinoKabihasnan ng  Tsino
Kabihasnan ng Tsino
 
Ang Kabihasnang greek
Ang Kabihasnang greekAng Kabihasnang greek
Ang Kabihasnang greek
 
Kabihasnang mesoamerica
Kabihasnang mesoamericaKabihasnang mesoamerica
Kabihasnang mesoamerica
 
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang PantaoAraling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
Araling Panlipunan Grade 8 Aralin 1 - Heograpiyang to Heograpiyang Pantao
 
Kabihasnan ng Assyrian
Kabihasnan ng AssyrianKabihasnan ng Assyrian
Kabihasnan ng Assyrian
 
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
Araling Panlipunan - Kasaysayan ng Daigdig Module 4
 
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2 Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
 
Araling panlipunan kasaysayan ng daigdig module
Araling panlipunan   kasaysayan ng daigdig moduleAraling panlipunan   kasaysayan ng daigdig module
Araling panlipunan kasaysayan ng daigdig module
 
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 7 LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
Similar to Kabihasnang egypt sa africa

Kabihasnang egyptian
Kabihasnang egyptianKabihasnang egyptian
Kabihasnang egyptianattysherlynn
 
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptx
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptxKABIHASNAN SA EHIPTO.pptx
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptxAgnes Amaba
 
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01Marife Jagto
 
Kabihasnang Egypt.pptx
Kabihasnang Egypt.pptxKabihasnang Egypt.pptx
Kabihasnang Egypt.pptxDinoICapinpin
 
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptx
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptxMga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptx
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptxreeseobias1
 
Egypt 1231047261676712-2
Egypt 1231047261676712-2Egypt 1231047261676712-2
Egypt 1231047261676712-2Amy Saguin
 
Aralin 8 ang unang kabihasnan sa africa (3rd yr.)
Aralin 8 ang unang  kabihasnan sa africa (3rd yr.)Aralin 8 ang unang  kabihasnan sa africa (3rd yr.)
Aralin 8 ang unang kabihasnan sa africa (3rd yr.)Lavinia Lyle Bautista
 
Egypt sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...
Egypt  sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...Egypt  sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...
Egypt sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...Kharen Silla
 
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...SMAP_G8Orderliness
 
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO Angela Mae Castro
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...M.J. Labrador
 
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptx
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptxAP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptx
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptxSarahLucena6
 
Sinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptxSinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptxJaniceBarnaha
 
Similar to Kabihasnang egypt sa africa (20)

Kabihasnang egyptian
Kabihasnang egyptianKabihasnang egyptian
Kabihasnang egyptian
 
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptx
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptxKABIHASNAN SA EHIPTO.pptx
KABIHASNAN SA EHIPTO.pptx
 
Sinaunang egypt
Sinaunang egyptSinaunang egypt
Sinaunang egypt
 
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01
Angsinaunangkabihasnansaehipto 091014061500-phpapp01
 
Kabihasnang Egypt.pptx
Kabihasnang Egypt.pptxKabihasnang Egypt.pptx
Kabihasnang Egypt.pptx
 
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptx
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptxMga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptx
Mga unang kabihasnan sa bansang Egypt.pptx
 
Egypt
EgyptEgypt
Egypt
 
Egypt
EgyptEgypt
Egypt
 
Egypt 1231047261676712-2
Egypt 1231047261676712-2Egypt 1231047261676712-2
Egypt 1231047261676712-2
 
Aralin 8 ang unang kabihasnan sa africa (3rd yr.)
Aralin 8 ang unang  kabihasnan sa africa (3rd yr.)Aralin 8 ang unang  kabihasnan sa africa (3rd yr.)
Aralin 8 ang unang kabihasnan sa africa (3rd yr.)
 
Egypt sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...
Egypt  sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...Egypt  sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...
Egypt sinaunang kabihasnan batay sa politika, kultura, ekonomiya, relihiyon ...
 
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
Aralin 3: Ang impluwensya ng Heograpiya sa Pagbuo at pag-unlad ng mga Sinauna...
 
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO
KABIHASNANG EGYPT BY AMSCASTRO
 
Ang Sinaunang Ehipto
Ang Sinaunang EhiptoAng Sinaunang Ehipto
Ang Sinaunang Ehipto
 
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptxSINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
 
Ap report
Ap reportAp report
Ap report
 
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptx
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptxAP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptx
AP 8 W6-7 Kabihasnan sa Daigidig.pptx
 
Sinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptxSinaunang Kabihasnan.pptx
Sinaunang Kabihasnan.pptx
 
Ang sibilisasyong Ehipto.ppt
Ang sibilisasyong Ehipto.pptAng sibilisasyong Ehipto.ppt
Ang sibilisasyong Ehipto.ppt
 
Recently uploaded

kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinoChristineIgnas2
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdfjemarabermudeztaniza
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalGab
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxMohminGumampo
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaJaysonKierAquino
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunanArlieCerezo1
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotoMark James Viñegas
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itobryandomingo8
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5TinCabanayan
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)JEANELLEBRUZA
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....JEANELLEBRUZA
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttJulietDianeBallonBot
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxJeremyPatrichTupong
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...RanjellAllainBayonaT
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxGluvellSiega1
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docxChristineIgnas2
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxjohnajaneecube
 
Recently uploaded (20)

kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipinokahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
kahalagahan ng kulturang popularsa pilipino
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
'Silangang Asya_20240328_142624_0000' with you.pdf
 
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose RizalKabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
Kabanata 11 - Life and Works of Jose Rizal
 
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaaFilipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
Filipino 8 Modyul 2 quarter 4 aaaaaaaaaa
 
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptxIkalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
Ikalawang Markahan – Modyul 1: FEASIBILITY STUDY .pptx
 
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaaFilipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
Filipino 8 MODYUL 1 Q4.pptx aaaaaaaaaaaa
 
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
1. PAGKAMAMAMAYAN-third quarter araling panlipunan
 
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagbotomga proseso at pangangailangan sa pagboto
mga proseso at pangangailangan sa pagboto
 
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang itoKabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
Kabanata 6 El Filibusterismo.pptx buod lamang ito
 
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
Araling Panlipunan 9 Ikatlong Markahan Modyul 5
 
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
PAGSULAT NG REAKSYONG PAPEL (paano nga ba ang pagsulat ng reaksyng papel?)
 
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
Liham pang negosyo (GAabay sa Pagsulat ng isang liham pang negosyo/kalakal) ....
 
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 ppppppppttttttayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
ayos ng pangungusap filipino grade 2 pppppppptttttt
 
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptxPAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
PAGBASA-AT-PAGSUSURI-NG-IBAT-IBANG-TEKSTO-TUNGO.pptx
 
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
AP 5 PPT Q4 W6 - Pagkakaisa O Pagkakawatak-Watak Ng Mga Pilipino Sa Mga Mahah...
 
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptxMother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
Mother Tongue Based (Sinugbuanong Binisaya.Q4.Grade3.Week3.pptx
 
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
61041256-Ang-Kurikulum-Na-Filipinoo.docx
 
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docxFlorante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
Florante_at_Laura_Buod_ng_Bawat_Kabanata.docx
 
Kabihasnang egypt sa africa

  • 2. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
  • 3. ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA AFRICA • Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-ng kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.
  • 4. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
  • 5. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinawag na bilang The Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang- silangan ng disyerto ng Africa.
  • 6. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.
  • 7. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag- apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag- iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.
  • 8. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Ang mga magsasaka ay kaagad nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay nagging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.
  • 9. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.
  • 10. HEOGRAPIYA NG EGYPT • Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.
  • 12. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng naghaharing pharaoh. • Ang pharaoh ang tumayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang diyos na taglay ang mga lihim ng langit at lupa. • Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol sa kanilang nasasakupan. • Sa pangkalahatan, maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian. • Kabilang sa kaniyang mga tungkulin ang pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.
  • 14. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile. • Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. • Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat na tinatawag na hieroglyphics o nangangahulugang “sagradong ukit” o hieratic sa wikang Greek. Ang sinaunang panulat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at pagtatala ng mga pangyayari
  • 15. KABIHASNANG EGYPTIAN • Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt. • Nang lumaon, ang mga ito ay tinawag na nome o malalayang pamayanan na naging batayan ng mga binuong lalawigan ng sinaunang estado ng Egypt. • Ang mga pinuno ng mga nome o nomarch, ay unti – unting nakapagbuklod ng isang estado sa Nile upang makabuo ng panrehiyong pagkakakilanlan.
  • 16. KABIHASNANG EGYPTIAN • Tungkol saan ang larawan? ________________________________ • Bakit mahalaga ang larawan sa buhay ng mga sinaunang Egyptian? _________________________________ ________________________________
  • 17. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang proseso ng pagbubuo ng isang estado ay nagtagal ng ilang siglo. Mahalagang salik ang pagkakaroon ng mga alyansa sa harap ng mabilis na mga pagbabago sa aspektong pangkabuhayan at politikal. • Unti-unti ring lumaki ang populasyong nangailangan ng mas intensibong irigasyon para sa mga lupang sakahan. • Dalawang kaharian ang nabuo sa kahabaan ng Nile, ang Upper Egypt at Lower Egypt. Noong 3100 B.C.E., isang pinuno ng Upper Egypt, sa katauhan ni Menes, ang sumakop sa Lower Egypt na nagbigay-daan upang mapag-isa ang lupain sa mahabang panahon. • Si Menes ay isa sa mga pinakaunang pharaoh sa panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt. Maliban sa pagkakaroon ng pinag-isang pangangasiwa, nagtalaga rin siya ng mga gobernador sa iba’t ibang lupain. • Ang Memphis ang naging kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes.
  • 18. KABIHASNANG EGYPTIAN • Tungkol saan ang larawan? ________________________________ • Ano ang nais ipahiwatig nito? _________________________________ _________________________________
  • 19. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. • Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw. • Ang pagtatayo ng mga ganitong uri ng estruktura ay nangailangan ng husay mula sa mga arkitektong nagdisenyo at sakripisyo naman mula sa libo-libong taong nagtayo nito. Ang ilan sa halimbawa nito ay ang Great Pyramid ni Khufu o Cheops sa Giza na naitayo noong 2600 B.C.E. Ito ay may lawak na 5.3 ektarya at may taas na 147 metro.
  • 20. KABIHASNANG EGYPTIAN • Makalipas lamang ang dalawang siglo, nahinto ang pagtatayo ng mga piramide. Sa kabuuan, tinatayang may 80 lokasyon ang pinagtayuan ng mga piramide sa Egypt subalit ang karamihan sa mga ito ay gumuho na. • Ang mga piramide ang tanging estrukturang Egyptian na nananatili sa kasalukuyang panahon. Kabilang ito sa tinaguriang Seven Wonders of the Ancient World na itinala ng mga Greek na pinakamagandang arkitektura sa mundo.
  • 21. KABIHASNANG EGYPTIAN • Bagama’t natigil na ang pagpapagawa ng piramide, itinuon na lamang ng mga pharaoh ang panahon sa iba pang mga pampublikong gawain. Kabilang dito ang paghukay ng kanal upang iugnay ang Nile River at Red Sea at nang mapabilis ang kalakalan at transportasyon. Gayundin ang pagsipsip ng mga latian sa Nile Delta upang maging bagong taniman.
  • 22. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Pepi II ang kahuli-hulihang pharaoh ng Ikaanim na Dinastiya (circa 90 B.C.E.). Pinaniniwalaang tumagal ng 94 na taon ang kaniyang pamumuno na nangangahulugang siya ang pinakamatagal na naghari sa lahat ng hari sa kasaysayan. Anim na taong gulang lamang si Pepi II nang maupo sa trono. Namatay siya sa edad na 100. • Bumagsak ang Old Kingdom sa kaniyang pagkamatay. Ang kaharian ay nagsimulang humina dahil sa laganap na tag-gutom at mahinang pamamahala. Nagsimulang hamunin ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang kapangyarihan ng pharaoh. Dahil dito, nasadlak ang lupain sa kaguluhan sa loob halos ng dalawang siglo.
  • 23. KABIHASNANG EGYPTIAN • Unang Intermedyang Panahon Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis. Sa kabilang dako, ang kanilang mga katunggali sa Thebes ay binuo naman ang Upper Egypt. Dulot nito, nagsagupaan ang dalawang magkaribal na dinastiya sa Egypt. Ang mga pinuno mula sa Heracleopolis ay nagmula sa linya ng pharaoh na si Akhtoy samantalang ang unang apat na pinuno mula sa Thebes ay pinangalanang Inyotef o Antef.
  • 24. KABIHASNANG EGYPTIAN • Anong estraktura ang nasa larawan? ________________________________ • Paano inilarawan ng estruktura ang taglay na kabihasnan ng mga sinaunang Egyptian?? __________________________________________ _________________________________
  • 25. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang kaguluhang politikal ay nagtapos nang manungkulan si Mentuhotep I. Sa mga sumunod na naghari, napag-isa muli ang Egypt. Nalipat ang kabisera sa Itjtawy (ipinapalagay na ngayon ay el-Lisht) sa Lower Egypt.
  • 26. KABIHASNANG EGYPTIAN • Sa panahon ni Senusret I o Sesostris I (1970-1926 B.C.E.), nakipagtunggali siya sa bahaging Nubia.
  • 27. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 1878 B.C.E., ipinagpatuloy ni Senusret o Sesostris III (1878-1842 B.C.E.) ang kampanyang militar sa Nubia. Sa una ring pagkakataon, tinangka niyang palawakin ang kapangyarihan ng Egypt hanggang Syria.
  • 28. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang pinakamahusay na pinuno ng panahong ito ay si Amenemhet II (1929-1895 B.C.E.) na namayani sa loob ng 45 taon.
  • 29. KABIHASNANG EGYPTIAN • Hindi sa Lambak ng Nile naganap ang mga gawain ng karamihan sa mga naging pinuno ng Ika-12 Dinastiya. • Sa halip, maraming ekspedisyon ang nagtungo sa Nubia, Syria, at Eastern Desert upang tumuklas ng mahahalagang bagay na maaaring minahin o mga kahoy na maaaring gamitin. • Nagkaroon din ng kalakalan sa pagitan ng Egypt at Crete ng kabihasnang Minoan.
  • 30. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Ika-13 Dinastiya ay bahagi ng Gitnang Kaharian. Kaguluhan at pagdating ng mga Hyksos mula sa Asya ang namayani sa panahong ito. • Ang katagang Hyksos ay nangangahulugang “mga prinsipe mula sa dayuhang lupain.” Sinamantala nila ang mga kaguluhan sa Nile upang makontrol ang lugar at palawigin ang kanilang kapangyarihan sa katimugan. • Nagsimula ang pamamayani ng mga Hyksos noong 1670 B.C.E. at kanilang napasailalim ang Egypt sa loob ng isang siglo. Hindi nagtagal, ang kanilang paggamit ng mga chariot ay natutuhan din ng mga Egyptian. • Nang lumaon, dahil sa kawalan ng kontrol sa kabisera, nagsimula ang panibagong panahon sa kasaysayan ng Egypt.
  • 31. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ikalawang Intermedyang Panahon • Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain. Ayon sa mga tala, ang Ika-13 Dinastiya ay nagkaroon ng 57 hari. Ito ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kapanatagan at katatagan sa pamamahala. Ang Ika-15 Dinastiya ay nangingibabaw sa isang bahaging Nile Delta. • Ang naging pangunahing banta sa mga pharaoh ng Thebes ay ang Ika-16 na Dinastiya na tinatawag ding Dinastiya ng Great Hyksos na namayani sa Avaris. Nagawang palawigin ng mga pinuno rito ang kanilang kapangyarihan hanggang sa katimugang bahagi na umaabot sa Thebes. Ang pangingibabaw ng dinastiya ng mga Hyksos ay natapos sa pag-usbong ng Ika-17 Dinastiya. Nagawang mapatalsik ng mga pinuno nito ang mga Hyksos mula sa Egypt.
  • 32. KABIHASNANG EGYPTIAN • Anong pangkat ng tao ang nasa larawan? ________________________________ • Ano ang bahaging kanilang ginampanan sa kasaysayan ng sinaunang Egypt? _________________________________ _________________________________
  • 33. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Bagong Kaharian ay itinuturing na pinakadakilang panahon ng kabihasnang Egyptian. Ito ay pinasimulan ng Ika-18 Dinastiya. • Tinatawag din ito bilang Empire Age. Naitaboy ni Ahmose (1570-1546 B.C.E.) ang mga Hyksos mula sa Egypt noong 1570 B.C.E. • Sinimulan niya ang dinastiya ng mga dakilang pharaoh mula sa Thebes at namayani mula sa delta hanggang Nubia sa katimugan. • Panahon din ito ng agresibong pagpapalawak ng lupain ng Egypt sa kamay ng malalakas na mga pharaoh. • Ang kapangyarihan ng Egypt ay umabot sa Nubia sa katimugan hanggang sa Euphrates River sa Mesopotamia, sa lupain ng mga Hittite at Mitanni.
  • 34. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Reyna Hatshepsut (1503-1483 B.C.E.), asawa ni Pharaoh Thutmose II (1518-1504 B.C.E.), ay kinilala bilang isa sa mahusay na babaing pinuno sa kasaysayan. • Siya ay nagpagawa ng mga templo at nagpadala ng mga ekspedisyon sa ibang mga lupain. • Sa kaniyang pagkamatay, lalo pang pinalawig ni Thutmose III (1504-1450 B.C.E.), anak ni Thutmose II, ang Imperyong Egypt.
  • 35. KABIHASNANG EGYPTIAN • Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350- 1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. • Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan. • Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
  • 36. KABIHASNANG EGYPTIAN • Isa sa mga tanyag na pharaoh noong ika-14 na siglo B.C.E. ay si Amenophis IV o Akhenaton (1350- 1334 B.C.E.). Tinangka niyang bawasan ang kapangyarihan ng mga pari sa pamahalaan. Tinangka rin niyang baguhin ang paniniwala ng mga tao ukol sa pagsamba sa maraming diyos. • Pinasimulan niya ang bagong relihiyon na nakatuon sa pagsamba sa iisang diyos, si Aton, na sinasagisag ng araw. Sa kasamaang-palad, hindi tinangkilik ng mga pari ang ganitong pagtatangka. Sa pagkamatay ni Akhenaton, tuluyang nawala ang kaniyang sinimulan.
  • 37. KABIHASNANG EGYPTIAN • Siya ay pinalitan ni Tutankhamen (1334-1325 B.C.E.) na noon ay siyam na taong gulang pa lamang nang maupo sa trono.
  • 38. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ang Ika-19 na Dinastiya ay pinasimulan ni Rameses I (1293-1291 B.C.E.).
  • 39. KABIHASNANG EGYPTIAN • Siya ay sinundan nina Seti I (1291-1279 B.C.E.) at Rameses II (1279-1213 B.C.E.).
  • 40. KABIHASNANG EGYPTIAN • Si Rameses II ay isa sa mahusay na pinuno ng mga panahong ito. Sa loob ng 20 taon, kinalaban niya ang mga Hittite mula sa Asia Minor na unti-unting pumapasok sa silangang bahagi ng Egypt. • Natapos ang alitan ng Egypt at Hittite nang lumagda sa isang kasunduang pangkapayapaan si Rameses II at Hattusilis III, ang hari ng Hittite. Ito ang kauna-unahang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng dalawang imperyo sa kasaysayan ng daigdig. • Pinaniniwalaang ang Exodus ng mga Jew mula Egypt ay naganap sa panahon ni Rameses II. Muli na namang humina ang pamamahala sa Egypt sa kaniyang pagpanaw.
  • 41. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ikatlong Intermedyang Panahon Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt. Ang dinastiyang ito ay napalitan ng mga hari mula sa Libya na nagpasimula naman sa Ika-22 Dinastiya. Ang unang pinuno nito ay si Shoshenq I (946-913 B.C.E.) na isang heneral sa ilalim ng nagdaang dinastiya. Sa mga panahong ito, maraming mga nagtutunggaliang pangkat ang nagnanais mapasakamay ang kapangyarihan. Humantong ito sa pagbuo ng Ika-23 Dinastiya. Sa paglisan sa Egypt, sa Sudan, isang prinsipe ang kumontrol sa Lower Nubia. Nang lumaon, isang nagngangalang Piye ang sumalakay pahilaga upang kalabanin ang mga naghahari sa Nile Delta. Umabot ang kaniyang kapangyarihan hanggang sa Memphis. Sumuko nang lumaon ang kaniyang katunggaling si Tefnakhte subalit pinayagan siyang mamuno sa Lower Egypt. Sinimulan niya ang Ika-24 na Dinastiya na hindi naman nagtagal.
  • 42. KABIHASNANG EGYPTIAN • Ano ang nais ipahiwatig ng mapa? ________________________________ • Bakit tinagurian ang Bagong Kaharian bilang Empire Age? _________________________________ _________________________________
  • 43. KABIHASNANG EGYPTIAN • Nagsimula ang Ika-26 na Dinastiya sa ilalim ni Psammetichus (664-610 B.C.E.). Nagawa niyang pagbuklurin ang Middle at Lower Egypt. • Nakontrol niya ang buong Egypt noong 656 B.C.E. Sa ilalim ni Apries, isang hukbo ang ipinadala upang tulungan ang mga taga-Libya na puksain ang kolonya ng Greece na Cyrene. • Subalit ang malaking pagkatalo ng kaniyang hukbo ay nagdulot ng kaguluhang sibil na humantong sa paghalili ni Amasis II (570-526 B.C.E.). • Hindi naglaon, napasakamay ng mga Persian ang Egypt. Ang pinuno ng mga Persian na si Cambyses II ang naging unang hari ng Ika-27 Dinastiya.
  • 44. KABIHASNANG EGYPTIAN • Napalayas ng mga Egyptian ang mga Persian sa pagtatapos ng Ika-28 Dinastiya. Sa pananaw ng Persia, ang Egypt ay isa lamang nagrerebelyong lalawigan nito. Namuno ang mga Egyptian hanggang sa ika-30 Dinastiya bagama’t mahihina ang naging pinuno. Panandaliang bumalik sa kapangyarihan ang mga Persian at itinatag ang Ika-31 Dinastiya.
  • 45. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 332 B.C.E., sinakop ni Alexander The Great ang Egypt at ginawa itong bahagi ng kanyang Imperyong Hellenistic. Malawak ang saklaw ng kaniyang imperyo na umabot ng Egypt, Macedonia, Asia Minor, Persia, Mesopotamia hanggang Indus Valley sa India. Sa kaniyang pagkamatay noong 323 B.C.E., naging satrap o gobernador ng Egypt ang kaniyang kaibigan at heneral na si Ptolemy.
  • 46. KABIHASNANG EGYPTIAN • Noong 305 B.C.E., itinalaga ni Ptolemy ang kaniyang sarili bilang hari ng Egypt at pinasimulan ang Panahong Ptolemaic. Ang Dinastiyang Ptolemaic ay naghari sa loob halos ng tatlong siglo. • Si Cleopatra VII ang kahuli-hulihang reyna ng dinastiya. Ang Egypt ay naging bahagi ng Imperyong Roman noong 30 B.C.E.
  • 47. KABIHASNANG EGYPTIAN • Sino ang nasa larawan? ________________________________ • Paano nagwakas ang kabihasnang Egyptian? _________________________________ _________________________________
  • 48. GAWAIN 9. WALK TO ANCIENT EGYPT
  • 49. GAWAIN 9: WALK TO ANCIENT EGYPT Tukuyin ang inilalarawan sa bawat aytem upang makumpleto ang dayagram.
  • 51. PAMPROSESONG TANONG 1. Anong kabihasnan ang umunlad sa Africa? 2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kabihasnang Egyptian sa mga kabihasnang umunlad sa Mesopotamia? 3. Paano mailalarawan ang pamumuhay ng mga sinaunang Egyptian? 4. Sino ang mga naging pinuno ng Egypt? Ano ang kanilang naging papel sa paghubog ng kabihasnan sa Egypt? 5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa kabihasnang Egyptian?