SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 37
Downloaden Sie, um offline zu lesen
KAHULUGAN AT
KAHALAGAHAN NG WIKA
Wika: Kasangkapan sa
Pagpapahayag
   Ayon kay Whitehead, isang edukador at
    Pilosopong Ingles: “Ang wika ay
    kabuuan ng kaisipan ng lipunang
    lumikha nito.”
   Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay
    salamin ng lahi.
   Ang wika ay mga simbolong salita ng
    mga kaisipan at saloobin.
   Ito ay isang behikulo o paraan ng
    paghahatid ng ideya o palagay sa
    tulong ng mga salita na maaaring
    pasalita o pasulat.
   Ayon naman kay Henry Gleason, ang
    wika ay isang masistemang balangkas
    ng sinasalitang tunog na pinili at
    isinaayos sa paraang arbitraryo upang
    magamit ng mga tao sa
    pakikipagtalastasan na nabibilang sa
    iisang kultura.
   Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip
    ng isang bayan, kumakatawan sa isang
    malayang pagsasama-sama at sa
    pagkakaisa ng layunin at damdamin.
   Ito ay paghahatid ng kaisipan at
    damdamin sa pamamagitan ng mga
    salitang binibigkas.
   Ang wika ay isang penomenong
    pumapaloob at umiiral sa loob ng
    lipunan at may angking kakayahang
    makaimpluwensya, magdikta, magturo,
    tumulong, kumontrol, manakot,
    pumatay, magpaligaya at lumikha ng
    isang realidad sa kanyang ispesipikong
    kakayahan.
   Ang wika ay maaaring humubog ng
    ating pananaw pandaigdig (world view).
   Kung titingnan ang wika bilang isang
    ideolohiya, maaaring magkaroon ng
    iba’t ibang pagpapakahulugan,
    pagtingin, pag-unawa at karanasan
    dahil may kani-kaniyang posisyon at
    papel ang indibidwal sa lipunang
    kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
   Isang disiplinang maituturing ang pag-
    aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y
    kabilang sa mga bagay na dapat
    pagtuunan ng pansin at pananaliksik,
    upang mas malinaw nating mailarawan
    ang mga kalagayan o katayuan nito
    para sa ating ikagagaling bilang
    praktisyoner ng wika.
Wika Bilang Totalidad sa
Pag-iral
   Isang katangian ng wika bilang
    penomenong panlipunan ay ang
    totalidad ng pag-iral at patuloy na
    pagbabago ng wika kasama ang
    maraming gamit at antas ng istruktura
    nito na malinaw na sumasailalim sa
    mga karanasan.
   Ang wikang ginagamit ng isang lipunan
    ay maaaring sumailalim sa mga
    paniniwala nito at mga karanasan.
   Maaari tayong hubugin ng ating wika
    matapos natin itong mabigyan ng
    kahulugan.
   Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang
    okasyon at sa salitang dapat gamitin,
    pinag-uukulan natin ng pansin ang
    kaangkupan ng ginagamit na wika.
   Ang mga pormal o impormal na pulong,
    pagtatalumpati, kasal, binyag,
    pagdarasal, pagtuturo, talakayang
    pang-akademiya at iba pang mga
okasyon ay maaaring makabuo ng iba’t
  ibang diskurso depende sa kasapatan
  at kaangkupan ng mga salitang
  gagamitin para sa isang partikular na
  okasyon.
 Totalidad ng pag-iral ang wika dahil dito
  umiikot ang ating kabuuang pag-iral sa
  gitna ng lipunan.
   Sinasalamin ng wika ang lipunang ating
    binubuo at kinabibilangan.
   Ito ang ginagamit sa pagpapahayag ng
    saloobing may pagpapakahulugang
    mula sa pag-unawa ng tao sa wika at
    mga konseptong kinakatawan nito.
Mga Batayang Kaalaman sa
Pagbasa
“Be more, read more.”
“ The man who reads, is the man who
  leads.”

Talino ang natatanging puhunan ng tao
 sa kanyang pakikipagsapalaran sa
 buhay.
   Mahalaga ang ginagampanang papel
    ng pagbasa sa paghahasa ng talino at
    isipan.
   Kailangan ang masidhi at malawakang
    pagbabasa na siyang nakapagbubukas
    ng daan ng lahat ng karunungan at
    disiplina tulad ng agham panlipunan,
    syensya, matematika, at iba pa.
   Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay
    nagbibigay ng lubos na kasiyahan at
    kaluwalhatian sa buhay na hindi
    maipagpapalit sa kayamanang
    materyal.
   Sa pagbabasa, nagiging ganap ang
    pagkatao ng isang nilalang.
   Ang pagbasa ay isang karaniwang
    gawain sa paaralan na humuhubog sa
    pag-iisip ng mga mag-aaral.
   Layunin ng pagbasa sa mga kolehiyong
    mag-aaral ang lalo pang maitaas ang
    antas ng kanilang pag-iisip sa pagiging
    kritikal at mapanuri.
   Sang-ayon kina Curry at Palmunen
    (2007), nababago ang paraan ng
    pagbabasa ng mga kolehiyong mag-
    aaral, nangangahulugang hindi lamang
    pag-alam o pagsasaulo sa mga
    pangunahing detalye na nakapaloob sa
    teksto kundi ang pagtiyak kung paano
    nagiging makatotohanan ang isang
    impormasyon.
   Nagiging sopistikado ang paraan ng
    kanyang pagbabasa at nakasunod dito
    ang paglinang ng kanyang abilidad sa
    pag-iisip.
   Magkaugnay ang mental at ang
    gawaing pagbasa.
Upang matamo ang layunin ng pagbasa
 sa kolehiyo, narito ang ilang mga
 hakbang:
1. Maghandang bumasa.
2. Aktibong bumasa.
3. Mapanuring bumasa.
4. Bumasa nang kritikal.
Kahulugan ng Pagbasa
    Batay sa depinisyong ibinigay ng
     International Reading Association, ang
     pagbasa ay pagkuha ng kahulugan
     mula sa mga nakatalang titik o simbolo
     na nangangailangan ng sumusunod:
    - ang paglinang at pananatili ng
     kawilihan sa pagbasa;
- ang paggamit ng istratehiya upang
makuha ang kahulugan ng teksto;
- ang sapat na kaalaman o prior
knowledge at bokabularyo na tutulong
sa pag-unawa ng teksto;
- ang kakayahan sa matatas na
pagbasa;
- ang istilong gagamitin upang
 maunawaan ang salitang di pamilyar;
  - ang kakayahang umunawa sa mga
 nakatalang salita batay sa tunog o
 pagbigkas nito.
Sang-ayon naman kay Frank Smith, ang
 pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang
 teksto at ang pag-unawa sa teksto ay
ang pagkuha ng sagot sa iyong mga
 tanong.
Mula naman kay Kenneth Goodman, ang
 pagbasa ay isang psycholinguistic
 guessing game, sapagkat ito ay
 nagdudulot ng interaksyon sa pagitan
 ng wika at pag-iisip, ang kakayahang
 manghula, bumuo ng hinuha kaugnay
 ng tekstong binabasa.
   Ayon naman kina Austero et al, ang
    pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha
    ng mga ideya at kaisipan sa mga
    sagisag na nakalimbag upang mabigkas
    nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa
    wika ng awtor sa pamamagitan ng mga
    nakasulat na simbolo.
   Batay sa mga kahulugang ibinigay,
    makikita na maraming kasanayan ang
    nalilinang at kailangang malinang upang
    magkaroon ng mabisa at makahulugang
    pagbabasa.
   Ang pagbasa ay masasabing isang
    masalimuot (complex) na proseso.
  Ang pagbasa ay isang gawaing
  pangkaisipan at ang gawaing ito ay
  mailalarawan bilang isang proseso.
 Ayon kay William Gray, may 4 na

  hakbang sa pagbasa:
 1. Persepsyon – hakbang sa pagkilala
  sa mga nakalimbag na simbolo at
  maging sa pagbigkas nang wasto sa
  mga simbolong nababasa.
2. Komprehensyon – pagpoproseso ito
ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbolong nakalimbag
na binasa. Ito ay nagaganap sa isipan.
 3. Reaksyon – hinahatulan o
pinagpapasyahan ang
kawastuhan, kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
4. Asimilasyon – isinasama at
iniuugnay ang kaalamang nabasa sa
mga dati nang kaalaman at/o
karanasan.
Mga Teorya o Pananaw sa
Pagbasa
    Mahalaga para sa sinumang mag-aaral
     ang magkaroon ng sapat na pag-unawa
     sa proseso ng pagbasa na inilalarawan
     ng mga sumusunod na teorya:
    1. Teoryang bottom-up – ang pagbasa
     ay ang pagkilala ng mga serye ng mga
     nakasulat na simbolo upang maibigay
     ang katumbas nitong tugon.
Ang proseso ng pag-unawa ayon sa
 teoryang ito ay nagsisimula sa
 teksto(bottom) patungo sa
 mambabasa(up) kaya tinawag itong
 bottom-up.
2. Teoryang Top-down – napatunayan ng
 maraming dalubhasa na ang pag-
 unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
kundi sa mambabasa (top) tungo sa
teksto (down).
Ayon sa mga proponent nito, ang
mambabasa ay isang napakaaktib na
kalahok sa proseso ng pagbasa, na siya
ay may dating kaalaman (prior
knowledge) na nakaimbak sa kanyang
isipan at may sariling kakayahan sa
wika.
3. Teoryang Interaktib – ang teksto ay
 kumakatawan sa wika at kaisipan ng
 awtor at sa pag-unawa nito.
  - ang isang mambabasa ay gumagamit
 ng kanyang kaalaman sa wika at mga
 sariling konsepto o kaisipan.
  - dito nagaganap ang interaksyong
 awtor-mambabasa at mambabasa-
 awtor.
4. Teoryang Iskima – mahalaga ang
tungkuling ginagampanan sa pagbasa
ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito
ang batayang paniniwala ng teoryang
iskima.
 - bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay
naidaragdag sa dati nang iskima.
Teoryang Metakognisyon sa
Pagbasa
Metakognisyon – nangangahulugang
 pagkakaroon ng kaalaman at
 maunawaan , makontrol at magamit
 nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei
 at Stewart, 1985).
Ang paggamit ng sinasabing mga
 kaalaman ay makakatulong para
 magkaroon ng mabisang pagbabasa.
Apat na Salik sa Prosesong
Metakognisyon
1. Teksto – nakapaloob ang pagtukoy sa
 istruktura, uri o anyo ng babasahin.
2. Gawain sa pagbasa – kaugnay rito
 ang mga gawain bago bumasa, habang
 bumabasa at pagkatapos bumasa.
3. Istratehiya – nakasalalay sa
 mambabasa.Ito ay batay sa kanyang
 edad, karanasan sa pagbabasa at
lawak ng kaalaman sa paksa.
4. Katangian ng mambabasa – mahalaga
 sapagkat kaugnay rito ang kanyang
 interes, motibasyong
 matuto, kakayahang mental at pisikal at
 oryentasyon sa pagbasa at pagkatuto.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Camille Tan
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayanRoel Dancel
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaRichelle Serano
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaPersia
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wikaabanil143
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaWENDELL TARAYA
 
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga PilipinoKakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga PilipinoBasemathBaco
 
9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinas9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinasmichael saudan
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARochelle Nato
 
Unang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaUnang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaAr Jay Bolisay
 
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYONMGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYONJela La
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 

Was ist angesagt? (20)

Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2Kahalagahan ng wika 2
Kahalagahan ng wika 2
 
4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan4 na makrong kasanayan
4 na makrong kasanayan
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng Wika
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
Ano ang wika?
Ano ang wika?Ano ang wika?
Ano ang wika?
 
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKAKasaysayan ng ALPABETO at WIKA
Kasaysayan ng ALPABETO at WIKA
 
Teoryang wika
Teoryang wikaTeoryang wika
Teoryang wika
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang FilipinoKasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang Filipino
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga PilipinoKakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
 
Gamit ng-wika
Gamit ng-wikaGamit ng-wika
Gamit ng-wika
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinas9 na pangunahing wika sa pilipinas
9 na pangunahing wika sa pilipinas
 
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKARegister Bilang VARAYTI NG WIKA
Register Bilang VARAYTI NG WIKA
 
Unang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wikaUnang wika at Pangalawang wika
Unang wika at Pangalawang wika
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYONMGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
MGA SANGKAP/ ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 

Ähnlich wie Kahulugan at kahalagahan ng wika

kahulugan at kahalagahanng wika.pptx
kahulugan at kahalagahanng wika.pptxkahulugan at kahalagahanng wika.pptx
kahulugan at kahalagahanng wika.pptxGinoLacandula1
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointleyzelmae
 
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptx
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptxARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptx
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptxAnnTY2
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstomajoydrew
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemeZethLohasap
 
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa Mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasaSCPS
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaRochelle Nato
 
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptxPagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptxdumpass1
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoApolinario Encenars
 
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGMAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGKentsLife1
 
Pambungad na Kabanata.pptx
Pambungad na Kabanata.pptxPambungad na Kabanata.pptx
Pambungad na Kabanata.pptxMichaelSebullen1
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwikakennjjie
 

Ähnlich wie Kahulugan at kahalagahan ng wika (20)

kahulugan at kahalagahanng wika.pptx
kahulugan at kahalagahanng wika.pptxkahulugan at kahalagahanng wika.pptx
kahulugan at kahalagahanng wika.pptx
 
Leyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpointLeyzel mae powerpoint
Leyzel mae powerpoint
 
pagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptxpagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptx
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptx
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptxARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptx
ARALIN 1-MAPANURING PAGBASA para sa..pptx
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa Mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa Mapanuring pagbasa
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptxPagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptx
Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik.pptx
 
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
 
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTINGMAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
MAAM-YU-GROUP-7-1.pptx POWERPOINT PARA SA FILIPINO REPORTING
 
ARALIN_1.FIL2.pptx
ARALIN_1.FIL2.pptxARALIN_1.FIL2.pptx
ARALIN_1.FIL2.pptx
 
Module 1.pptx
Module 1.pptxModule 1.pptx
Module 1.pptx
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
Pambungad na Kabanata.pptx
Pambungad na Kabanata.pptxPambungad na Kabanata.pptx
Pambungad na Kabanata.pptx
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit PangwikaSining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
Sining at Agham ng Pagsusulit Pangwika
 

Mehr von Justin Thaddeus Soria

Mehr von Justin Thaddeus Soria (6)

Varayti ng wika sa mga balitang showbiz
Varayti ng wika sa mga balitang showbizVarayti ng wika sa mga balitang showbiz
Varayti ng wika sa mga balitang showbiz
 
Katuturan ng wika
Katuturan ng wikaKatuturan ng wika
Katuturan ng wika
 
Aralin 2 gçô ang wika at lipunan
Aralin 2 gçô ang wika at lipunanAralin 2 gçô ang wika at lipunan
Aralin 2 gçô ang wika at lipunan
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Varayti ng wika
Varayti ng wikaVarayti ng wika
Varayti ng wika
 
Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29
 

Kahulugan at kahalagahan ng wika

  • 2. Wika: Kasangkapan sa Pagpapahayag  Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng lipunang lumikha nito.”  Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
  • 3. Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin.  Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na maaaring pasalita o pasulat.
  • 4. Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
  • 5. Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin.  Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.
  • 6. Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot, pumatay, magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayahan.
  • 7. Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view).  Kung titingnan ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan.
  • 8. Isang disiplinang maituturing ang pag- aaral sa wika sa loob ng lipunan at ito’y kabilang sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin at pananaliksik, upang mas malinaw nating mailarawan ang mga kalagayan o katayuan nito para sa ating ikagagaling bilang praktisyoner ng wika.
  • 9. Wika Bilang Totalidad sa Pag-iral  Isang katangian ng wika bilang penomenong panlipunan ay ang totalidad ng pag-iral at patuloy na pagbabago ng wika kasama ang maraming gamit at antas ng istruktura nito na malinaw na sumasailalim sa mga karanasan.
  • 10. Ang wikang ginagamit ng isang lipunan ay maaaring sumailalim sa mga paniniwala nito at mga karanasan.  Maaari tayong hubugin ng ating wika matapos natin itong mabigyan ng kahulugan.
  • 11. Sa pagsusuri natin sa sinasabi sa isang okasyon at sa salitang dapat gamitin, pinag-uukulan natin ng pansin ang kaangkupan ng ginagamit na wika.  Ang mga pormal o impormal na pulong, pagtatalumpati, kasal, binyag, pagdarasal, pagtuturo, talakayang pang-akademiya at iba pang mga
  • 12. okasyon ay maaaring makabuo ng iba’t ibang diskurso depende sa kasapatan at kaangkupan ng mga salitang gagamitin para sa isang partikular na okasyon.  Totalidad ng pag-iral ang wika dahil dito umiikot ang ating kabuuang pag-iral sa gitna ng lipunan.
  • 13. Sinasalamin ng wika ang lipunang ating binubuo at kinabibilangan.  Ito ang ginagamit sa pagpapahayag ng saloobing may pagpapakahulugang mula sa pag-unawa ng tao sa wika at mga konseptong kinakatawan nito.
  • 14. Mga Batayang Kaalaman sa Pagbasa “Be more, read more.” “ The man who reads, is the man who leads.” Talino ang natatanging puhunan ng tao sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.
  • 15. Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan.  Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na siyang nakapagbubukas ng daan ng lahat ng karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, syensya, matematika, at iba pa.
  • 16. Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay na hindi maipagpapalit sa kayamanang materyal.  Sa pagbabasa, nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang.
  • 17. Ang pagbasa ay isang karaniwang gawain sa paaralan na humuhubog sa pag-iisip ng mga mag-aaral.  Layunin ng pagbasa sa mga kolehiyong mag-aaral ang lalo pang maitaas ang antas ng kanilang pag-iisip sa pagiging kritikal at mapanuri.
  • 18. Sang-ayon kina Curry at Palmunen (2007), nababago ang paraan ng pagbabasa ng mga kolehiyong mag- aaral, nangangahulugang hindi lamang pag-alam o pagsasaulo sa mga pangunahing detalye na nakapaloob sa teksto kundi ang pagtiyak kung paano nagiging makatotohanan ang isang impormasyon.
  • 19. Nagiging sopistikado ang paraan ng kanyang pagbabasa at nakasunod dito ang paglinang ng kanyang abilidad sa pag-iisip.  Magkaugnay ang mental at ang gawaing pagbasa.
  • 20. Upang matamo ang layunin ng pagbasa sa kolehiyo, narito ang ilang mga hakbang: 1. Maghandang bumasa. 2. Aktibong bumasa. 3. Mapanuring bumasa. 4. Bumasa nang kritikal.
  • 21. Kahulugan ng Pagbasa  Batay sa depinisyong ibinigay ng International Reading Association, ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo na nangangailangan ng sumusunod: - ang paglinang at pananatili ng kawilihan sa pagbasa;
  • 22. - ang paggamit ng istratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto; - ang sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na tutulong sa pag-unawa ng teksto; - ang kakayahan sa matatas na pagbasa;
  • 23. - ang istilong gagamitin upang maunawaan ang salitang di pamilyar; - ang kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita batay sa tunog o pagbigkas nito. Sang-ayon naman kay Frank Smith, ang pagbasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto at ang pag-unawa sa teksto ay
  • 24. ang pagkuha ng sagot sa iyong mga tanong. Mula naman kay Kenneth Goodman, ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game, sapagkat ito ay nagdudulot ng interaksyon sa pagitan ng wika at pag-iisip, ang kakayahang manghula, bumuo ng hinuha kaugnay ng tekstong binabasa.
  • 25. Ayon naman kina Austero et al, ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo.
  • 26. Batay sa mga kahulugang ibinigay, makikita na maraming kasanayan ang nalilinang at kailangang malinang upang magkaroon ng mabisa at makahulugang pagbabasa.  Ang pagbasa ay masasabing isang masalimuot (complex) na proseso.
  • 27.  Ang pagbasa ay isang gawaing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan bilang isang proseso.  Ayon kay William Gray, may 4 na hakbang sa pagbasa: 1. Persepsyon – hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.
  • 28. 2. Komprehensyon – pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbolong nakalimbag na binasa. Ito ay nagaganap sa isipan. 3. Reaksyon – hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
  • 29. 4. Asimilasyon – isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan.
  • 30. Mga Teorya o Pananaw sa Pagbasa  Mahalaga para sa sinumang mag-aaral ang magkaroon ng sapat na pag-unawa sa proseso ng pagbasa na inilalarawan ng mga sumusunod na teorya: 1. Teoryang bottom-up – ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tugon.
  • 31. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sa teksto(bottom) patungo sa mambabasa(up) kaya tinawag itong bottom-up. 2. Teoryang Top-down – napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag- unawa ay hindi nagsisimula sa teksto
  • 32. kundi sa mambabasa (top) tungo sa teksto (down). Ayon sa mga proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na kalahok sa proseso ng pagbasa, na siya ay may dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika.
  • 33. 3. Teoryang Interaktib – ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito. - ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. - dito nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa- awtor.
  • 34. 4. Teoryang Iskima – mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. - bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima.
  • 35. Teoryang Metakognisyon sa Pagbasa Metakognisyon – nangangahulugang pagkakaroon ng kaalaman at maunawaan , makontrol at magamit nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei at Stewart, 1985). Ang paggamit ng sinasabing mga kaalaman ay makakatulong para magkaroon ng mabisang pagbabasa.
  • 36. Apat na Salik sa Prosesong Metakognisyon 1. Teksto – nakapaloob ang pagtukoy sa istruktura, uri o anyo ng babasahin. 2. Gawain sa pagbasa – kaugnay rito ang mga gawain bago bumasa, habang bumabasa at pagkatapos bumasa. 3. Istratehiya – nakasalalay sa mambabasa.Ito ay batay sa kanyang edad, karanasan sa pagbabasa at
  • 37. lawak ng kaalaman sa paksa. 4. Katangian ng mambabasa – mahalaga sapagkat kaugnay rito ang kanyang interes, motibasyong matuto, kakayahang mental at pisikal at oryentasyon sa pagbasa at pagkatuto.