2.
Introduksyon
Ang rebolusyon siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan.
Makabagong pagtingin sa kalawakan
Iba pang pag-unlad sa agham pangkalikasan.
Ang paghikayat sa Siyentipikong Pag-aaral
Ang Panahon ng Enlightenment .
Mga pananaw ukol sa pamahalaan
Mga puna sa lipunan
Mga kaisipan ukol sa edukasyon
Ang kababaihan sa panahon ng Enlightenment
Ang panahon ng Enlightenment at ang sining
Pamana ng rebolusyong siyentipiko at panahon ng Enlightenment.
3.
Ang Scientific Revolution na nagwakas sa mga paniniwalang
namayani sa Middle Ages na walang matibay na batayang siyentipiko.
Ang rebolusyong siyentipiko ay tumutukoy sa panahon ng malawakang
pagbabago sa pag-iisip at paniniwala na nagsisimula sa kalagitnaan ng
ika-16 hanggang sa ika-17 siglo.
Samantala,nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga teorya sa
pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng pamahalaan
,demokrasya,at edukasyon sa modernong panahon. Ang panahong
kinapalooban ng mga nasabing iskolar ay nakilala bilang Age Of
Enlightenment o panahon ng kaliwanagan. ibig sabihin,ginamit ang
katuwiran at siyentipikong pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay.
Tinawag din itong Age of Reason dahil sa paniniwalang sa paggamit
ng pangangatuwiran matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at
bubuti ang pamumuhay ng tao.
4. Si Ptolomy ay nagsabing ang daigdig ang sentro ng kalawakan at ang
ibang mga heavenly body ay umiikot dito sa pabilog na pagkilos.
Ang Geocentric view ang teoryang ito ni Ptolomy ay nagtaguyod ng
paniwalang Kristiyano na dinisenyo ng Diyos ang kalawakan para sa
mga tao. Ang ambag ni aristotle sa teorya ni Ptolmy ay ang komposisyon
ng mga bagay sa kalawakan at sa daigdig. Ayon sa kanya,malaki ang
pagkakaiba ng komposisyon ng mga bagay na matatagpuan sa
kalangitan at sa daigdig. Ang una ay binubuo ng puro at espiritwal sa
elementong tinatawag na ether,samantala ang huli ay binubuo ng apat
na elemento ---- Lupa,tubig,apoy,at hangin. Hindi katulad ng Ether,ang
apat na elemento ay nagbabago.
5. Ang Geocentric view sa kalawakan ay hinamon naman ni
Nicolaus Copernicus. Isa siyang astronomer mula sa Poland. Ayon
sakanya,hindi daigdig ang sentro ng kalawakan kundi ang araw.
Ang kanyang teoryang Heliocentric view ay nagsasabing ang
araw ang nasa gitna at hindi ang daigdig.Si Galileo Galilei ay isa
sa mga nagpatunay o sumuporta sa teoryang ito. Sa pamamagitan
ng kanyang naimbento na Largavista kanyang napagtanto na ang
araw ang sentro ng lahat at napatunayan rin niya na hindi patag
ang buwan sapagkat meron itong crater. At may iba pang mga
siyentipiko ang nag sasama sama upang maghayag ng kanilang
sari-sariling teoryo ukol sa kalawakan.
6. Si Isaac Newton ang nakatuklas sa Law of gravity habang si
Andres Vesalius naman ang nanguna sa pag-aaral ng anatomiya
ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga bangkay at kalansay
ng tao. Si Willian Harvey ay isang doktor na English,ang
nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng dugo.
7. Si Rene Descartes ay isang pilosopo at mathematician na French.
Ipinaliwanag niya ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit
ang pamamaraang matematikal. Isinantabi niya ang sistema ng
scholasticism at napagtantong isang bagay lamang ang hindi
dapat pagdudahan---ang pagdududa mismo.
8. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan
ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala
noong Middle ages. Ang Philosophe o ang grupo ng mga
interlektwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran,kaalaman,
at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.
9. Si Thomas Hobbes ay tinalakay niya ang kalikasan ng tao at estado.
Si John Locke ay binigyang diin ang paniniwalang mahalaga ang
gitnang uri at ang kanilang karapatan sa pagmamay
ari,pananampalataya sa agham at paniniwala sa kabutihan ng
sangkatauhan.
Jean Jacques Rousseau ay pinaliwanag ang Social Contract ay isang
kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan
at isang pamahalaan.
Si Francois Marie Arouet ay nag sabing na ang demokrasya ay lalo
lamang nagtataguyod ng pagiging mangmang ng masa
Baron de Montesquieu ay nagsabing nakabase sa klima ang ugali ng tao
o maaaring maka impluwensya ang klima sa kalikasan ng isang tao.
10. Si Denis Diderot ay nagtipong ng lahat ng mahahalagang
manunulat nna French sa panahon ng Enlightenment upang mag
ambag sa encyclopedie.
Si Cesare Bonesana Beccaria ay tumuligsa sa parusang
kamatayan sa kanyang akdang “Of crimes and punishment”.
Si John Howard ay may impluwensya sa pagpapabuti ng
kondisyong pangkalinisan at makataong pagtrato sa mga bilanggo
sa mga kulungan sa Europe.
11. Malaki ang ambag ni Jean Jacques Rousseau at John Locke sa
ideya tungkol sa edukasyon.
Tinalakay ni John Locke ay konsepto ng tabula rasa .
Ipinihayagn ni Rousseau ay kanyang ideya tungkol sa edukasyon
sa kanyang akda na Emile.
12. Si Mary Wollstonecraft ay isa sa mga babaeng naging tanyag sa
panahong enlightenment. Bakit? Dahil siya ang tumalakay para
sa karapatan ng mga kababaihan sa kanyang “A Valedication of
the rights of Women” (1792). Sa kanyang akda sinasabing dapat
magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon
ng posisyon sa pamahalaan. Itinuring siya bilang unang peminista
o tagapagtaguyod ng pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at
mga babae.
13. Hinikayat noong panahon ng Enlightenment ang muling pagbabalik sa
istilong Greek at Roman at simula ng pagkakaroon ng interes sa
ordinaryong mamamayan sa arkitektura ginamit ang neoclassical na
isitilo. Pinahahalagahan ng mga alagad ng sining ng enlightenment ang
pag gamit ng ideya sa katwiran at ang kanilang mga akda na
sumasalamin sa ideya ng demokrasya.
Si Haydn ay isa sa mga pangunahing kompositor sa klasikal sa panahon
at itinuturing na “Ama ng Symphony” at “Ama ng String Quartet”.
Si Mozart ay bihasa sa halos na lahat ng uri at anyo ng musika,maging
ito ay religious,hymns,chamber musics,solo piano,symphony o opera.
Si Beethoven ay kompositor sa musikang klasikal. Itinuturing na isa
siya sa mga pinakamagaling na kompositor at nagsilbing inspirasyon ng
mga sumunod na musikero at kompositor.
14. Sa panahon ng Enlightenment,tinangka ng mga siyentipiko na
ihayag sa mga katauhan ang ibig sabihin ng mga bagay sa paligid
at sa daigdig. Nabuwag ng mga siyentipiko ang paniniwala na
ipinalaganap ng Simbahan dati.
Ang panahong Enlightenment ay humubog pagdating sa sining
tulad nila Beethoven,Mozart at marami pang iba.
Sa panahong nabanggit ay marami ding mga magagaling na akda
ang lumabas tulad ng Robinson Crusoe at marami pang iba.
15. Acknowledgement to Mrs. Ruthela Andres for
teaching us this lessons. We’re able to type or to
put this kind of words without her help. Thank
you Ma’am andres We’re hoping that you’ll
read this.