Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 2. karapatang pantao ( 1987 )
1. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 1
Ang lahat ng mga tao ay isinilang na malaya
at pantay-pantay sa karangalan at
karapatan. Sila ay pinagkalooban ng
katwiran at bughi at dapat magpalagayan
ang isa’t isa sa diwa ng pagkakapatiran.
2. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 2
a. Ang bawat tao ay karapat-dapat sa lahat ng
karapatan at kalayaang nakalahad sa pahayag na
ito nang walang anumang uri ng pagtatangi , gaya
ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong
pampulitika, o iba pa, pinagmulang bansa, lipunan,
ari-arian, kapanganakan, o iba pang katayuan.
b. Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay
sa katayuang pampulitika, huridiksyunal o
pandaigdig ng kalagayan ng bansa o teritoryong
kinabibilangan ng isang tao, maging ito ay
nagsasarili, itinitiwalag, hindi nakapamamahala sa
sarili o nasa ilalim ng anumang katakdaan ng
soberaniya.
3. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 3
Ang bawat tao ay may karapatan sa buhay,
kalayaan, at kapanatagan ng sarili.
4. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 4
Ipinagbabawal ang anumang anyo ng
pangaalipin at ang pangangalakal ng alipin.
5. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 5
Walang sinumang pahihirapan o lalapatan
nang malupit, hindi makatao o nakapanlalait
na pakikitungo sa kapwa.
6. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 6
Ang bawat tao ay may karapatang kilalanin
saan mang dako bilang isang tao sa harap
ng batas.
7. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 7
Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng
batas at may karapatan sa walang
pagtatangi ng pangangalaga ng batas.
Ang lahat ay may pantay na karapatan sa
pangangalaga laban sa anumang
pagtatangi-tanging nalalabag sa pahayag
na ito at laban sa anumang pagbubuyo sa
nasabing pagtatangi.
8. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 8
Ang bawat tao ay may karapatan sa
mabisang lunas ng karampatang mga
hukumang pambansa tungkol sa mga
gawang pangunahing karapatan na
ipinagkaloob sa kanya ng Saligang Batas o
ng batas.
9. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 9
Walang sinumang ipaiilalim sa hindi
makatwirang pagdakip, pagpigil, o
pagpapatapon.
10. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 10
Ang bawat tao ay may karapatan sa ganap
na pagkakapantay-pantay, sa isang
makatarungan at hayag na paglilitis ng isang
hukumang malaya at walang kinikilingan, sa
pagpapasiya ng kanyang mga karapatan at
pananagutan at sa anumang paratang na
krimen laban sa kanya.
11. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 11
a. Ang bawat taong pinararatangan ng
pagkakasalang pinarusahan ay may
karapatang ituring na walang sala hanggang
hindi napatutunayang nagkasala alinsunod
sa batas sa isang hayag na paglilitis na
ipinagkaroon niya ng lahat ng garantiyang
kailangan sa kanyang pagtatanggol.
12. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 12
Walang taong isasailalim sa hindi
makatwirang panghihimasok sa kanyang
pananahimik, pamilya, o pakikipagsulatan sa
tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting
pangalan. Ang bawat tao ay may karapatan
sa pangangalaga ng batas laban sa gayong
mga panghihimasok o tuligsa.
13. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 13
Ang bawat tao ay may karapatan sa
kalayaan ng pagkilos at paninirahan sa loob
ng hanggahan ng bawat estado.
14. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 14
Ang bawat tao ay may karapatang
humanap at magtamasa sa ibang bansa ng
pagpapakupkop laban sa pag-uusig.
15. Artikulo ng Karapatang Pantao ( 1987 )
Artikulo 15
Ang bawat tao ay may karapatan sa isang
pagkamamamayan.