2. Lipunang Sibil
O Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga
sarili tungo sa sama-samang pagtuwang
sa isa’t-isa.
O Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng
mga negosyante na may pansariling
interes.
O Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga
mamamayan na matugunan ang kanilang
mga pangangailangan na bigong tugunan
ng pamahalaan at kalakalan (business).
3. O Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga
pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod,
kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag-
unlad (sustainable development) na hindi tulad
ng minadali at pansamantalang solusyon ng
pamahalaan at kalakalan.
Halimbawa:
1994- Peace Advocates Zamboanga –
adbokasiyang palakasin ang ugnayan ng mga
Kristiyano at Muslim
1984- Gabriela Movement – isinulong at
naisabatas ang Anti-Sexual Harrassment Act
(1995), Anti-Violence Against Women and their
Children Act (2004), at iba pa.
4. Ang Media
O Anumang bagay na “nasa pagitan” o
namamagitan sa nagpadala at pinadalhan ay
tinatawag sa Latin na medium (o media kung
marami).
O Kung maramihan at sabay-sabay ang
paghahatid na ginagawa natin, tinatawag natin
itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon,
pelikula o internet
O Sa pagpapalutang ng mahahalagang
impormasyon ay napananatili mo ang ikabubuti
ng iba pang kasapi ng lipunan.
5. O Ang pangunahinglayunin ng media bilang isang
anyo ng lipunang sibil ay magsulong ng
ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang
dahilan kung bakit tungkulin ng media ang
pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na
pagtutuwid sakali mang may naipahatid na
maling impormasyon na maaaring maging
batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos.
O Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga
katotohanang kailangan ng lipunan para sa
ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti
ninuman ang kasinungalingang bunga ng
pagdadagdag-bawas sa katotohanan.
6. O Papa Juan Pablo II: “Ang kapangyarihan ng
media ay hindi isang lakas na nananalasa kundi
isang pag-ibig na lumilikha.”
O San Ignacio: “Kapag naglihim tayo, doon
magtatrabaho ang demonyo.”
O Malala Yousafzai: walong taong gulang nang
magsimulang sumulat ng blog na naglalarawan
kung gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna
ng panggigipit ng mga Taliban. Ngayon kapag
may nagagawing Taliban sa kanilang bayan,
hinaharap ito ng mga kabataang babae at
buong tapang nilang idinedeklarang “Ako si
Malala.”
7. Ang Simbahan
O Gaano man karami ang iyong matamo para sa
sarili, makararamdam ka pa rin ng kahungkagan
o ng kawalan ng katuturan.
O Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi
nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa
katunayan, ang iyong pananampalataya ay
naisasabuhay mo sa pamamagitan ng
pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa
panawagan ng lahat na, “Paki lang.”
8. Katangian ng iba’t-ibang Anyo
ng Lipunang Sibil
O Pagkukusang-loob
O Bukas na pagtatalastasan
O Walang pang-uuri
O Pagiging organisado
O May isinusulong na pagpapahalaga
9. Pangkatang Gawain
O Magpangkat-pangkat nang tig-limang kasapi at
isulat sa papel ang sagot sa mga sumusunod na
tanong:
1. Sa anu-anong paraan tinutugunan ng lipunang
sibil ang mga pagkukulang ng lipunan?
Ipaliwanag.
2. Magbigay ng iba pang mga usapin na hini
natutugunan ng lipunang sibil. Patunayan.
3. Magmungkahi ng mga adbokasiya na tutugon
sa mga usaping ito.