4. Virgilio S. Almario
Maituturing na isa sa pinakatanyag na
kritiko ng panitikang Filipino.
Kilala sa sagisag na Rio Alma na laging
kasangkot sa pagbibibigay-kulay sa
panulaang Filipino.
5. Nagsimulang makilala bilang haligi ng kilusang
Modernista ng mga kabataang makata noong kanyang
panahon, sumibol ang kanyang mga aklat sa tula,
Makinasyon Ilang Tula(1968) at Peregrinasyon at iba pang
Tula(1970).
Kinilala rin ang kanyang Ang Makata sa Panahon ng
Makina(1972), Doktrinang Anakpawis(1979), Walong
Dekadang Makabayang Tulang Pilipino(1981),
Balagtasismo Versus Modernismo(1984), at iba pa.
8. Lamberto E. Antonio
Itinuturing na isa sa mga tungkong bato ng
mga makatang UE, kasama sina Virgilio
Almario at Rogelio Mangahas, si Antonio ay
makailang ulit ng nagwagi ng gantimpala sa
Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature, hindi lamang sa larangan ng
maikling kwento kundi sa tula at panunuring
panitikan.
10. Isigani R. Cruz
Isinilang sa Maynila at kasalukuyang nagtuturo sa
De La Salle University, si Cruz ay kilalang
mananalaysay at manunulat ng mga dula, at higit sa
lahat, isang mapagkakatiwalaang kritiko ng panitikang
Filipino.
Nagtapos ng bachelors degree in physics sa UP,
masters degree in English sa ADMU at doctorate in
English sa University of Maryland, USA.
11. Dating kolumnista ng mahigit sa 20 pahayagan, sa
kasalukuyan ay lingguhang sumusulat ng pitak si Cruz
sa Philippine Star at Philippine Starweek.
Ang karamihan sa mga akdang napanalunan niya sa
Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay
mga dula at mga sanaysay sa panunuring
pampanitikan sa Filipino at English.
13. Lope K. Santos
Makata, manunulat, mananalaysay at
nobelista, tinaguriang Makata ng Puso at Ama
ng Balarilang Tagalog si Santos na nagtapos sa
Escuela de Derecho de Manila, Escuela
Normal Superior de Maestros at sa Colegio
Filipino.
14. Naging direktor ng Surian ng Wikang Pambansa,
1941-1945, gobernador ng Rizal, 1910-1913;
gobernador ng Nueva Viscaya, 1918-1920; at senador,
1921-1922.
Naisulat niya ang Balarila ng Wikang Pambansa na
naging opisyal na batayang aklat sa Filipino. Ang
karamihan sa kanyang mga akdang pampanitikan ay
naipalathala sa Ang Kaliwangan, Ang Kalapati ng
Bayan, Muling Pagsilang, Ang Mithi, Watawat,
Pagkakaisa, Mabuhay, atbp.
16. Federico Licsi, Jr.
Nagwagi ng makailang ulit sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature sa pagsulat ng
mga tulang gigising sa kamalayang Pilipino,
itinanghal na Makata ng Taon ng 1996 si Licsi.
Siya’y may akda ng pitong antolohya ng mga
tulang sa Filipino, Ingles at Kastila.
18. Rogelio G. Mangahas
Kasalukuyang editor sa Filipino ng SIBS Publishing
Company, dating propesor sa Filipino si Mangahas sa
pamantasang kanyang pinagtapusan, ang UE.
Itinanghal sa “Makata ng Taong 1969” sa Talaang
Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa. Kinilala ng
mga kritiko ang kanyang tulang “Duguang Plakard”.
20. Fernando B. Monleon
Kilala sa sagisag na batubalani, si Monleon ay
tinaguriang makatang laureado noong 1968.
Nahirang na Mambabalagtas ng Taon noong
1967. Siya’y naging pangalawang patnugot ng
Surian ng Wikang Pambansa.
22. Clodualdo del Mundo
Dating patnugot ng mga magasin Filipino at
editorial director ng Liwayway Publishing, si
Del Mundo ay may pitak ng Parolang Ginto Sa
bisa ng Parolang Ginto ay pumili si Del Mundo
ng pinakamahusay na katha buwan-buwan at
taun-taon
24. Ponciano B P Pineda
Nanungkulang punong Komisyoner sa
Wikang Fiipino bago nagretiro, tubong
Nueva Ecija ang manananggol, makata,
manunulat, propesor sa wika at linggwista
si Pineda.
25. Nagtapos ng bachelor of laws sa MLQU,
associate in arts degree sa UST, master of
arts in linguistics sa University of British
Columbia, Vancouver, Canada at doctorate
degree sa UST. Nagturo ng ilang taon sa
Paaralang Gradwado ng MLQU at sa
kasalukuyan ay aktibong lupon ng patnugot
ng KAPFIL at PSLF.
28. Aristotle
Sa Poetics nakapaloob ang panunuring
pampanitikan ni Aristotle. Tatlo ang mahalagang
kontribusyon sa Poetics. (1) Ito ang nagpasimuno
ng panunuring pampanitikan, (2) Ito ang ginamit
ha huwaran at patnubay ng panunuring
pampanitikan, (3) Ito’y nag-alay ng isang
konkretong teorya ng panitikan na hindi hiram sa
mga basal na kaisipan o pilosopyang pang-
estetika.
29. Pinapanigan ni Aristotle ang panulaan (1)
bilang katotohanan at katibayan ng tula bilang
institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng
kaalaman, at (2) bilang pangmoral ng katwiran
sa isipan.
30. Ang panulaan para kay Aristotle ay higit na
mataas at pilosopikal kaysa kasaysayan. Ayon
sa kanya, takot at habang ang kinakasangkapan
sa dalawang batayang damdamin upang
maging matagumpay ang trahedya.
Sang-ayon si Aristotle na catharis o
pagpupurga ang makalilinis sa takot at habag at
ginagamit ito upang ipagtanggol ang panulaan.
32. Plato
Isinilang noong 428 B.C. sa Athens, Greece, si
Plato ang itinuturing na pangalawang tungkong
bato ng sinaunang Gresya, kabilang sina
Aristotle at Socrates.
May tarlong kontribusyon si Plato sa panunuring
pampanitikan: (1) ang anyo at suliranin ng sining,
(2) ang inspirasyon ng makata, (3) ang panulaan
bilang tagpagturo ng kabutihan at katotohanan.
33. Ang itinatag na sistema ni Plato ay
malawakang sistema ng pilosopya na matibay
ang etikal na pundasyon ng ideang eternal o
pormang kumakatawan sa daigdig.
Itinatag ni Plato ang Akademya sa Athens
bilang institusyon para sa pagkakamit ng
sistematikong pilosopikal t syentipikong
pananaliksik. Ang kanyang tanging pinag-
aalinlanganan ay ang bisang pangmoral sa
sining.
34. Taliwas kay Aristotle, pinaniniwalas ni Plato na ang
tula ay isa lamang panggagagad ng konkretong
kalikasan. Bilang resyonalista, pinaniniwalan din ni
Plato na “ ang dahilan ay dapat sundan kahit saan
maguna.”
Nakapaloob sa pilosopiya ni Plato ang etikang
rasyonalistiko kayat dikatakatang polotikal ang
kanyang pangunahing ambisyon. Dahil dito, ang
pinakatanging pangyayaring naganap sa buhay ni
Plato ay ang iterbensyon sa politikang Syracusan.
35. Itinatag ni Plato ang doktrinang Phaedo na
nagsaad ng imortalidad ng kaluluwa.
Nakapaloob sa kanyang kaisipan ang
aspektong lohikal, epistemolohikal at
metapisikal.
37. Socrates
Isinilang si Socrates noong 470 B.C. Siya, ayon kay
Cicero, ang nagbaba ng pilosopiya mula sa langit
patungo sa daigdig. Mababasa ang kanyang
personalodad at doktrina sa Dialogue at sa
Memorabilla of Xenophon.
Naniniwala si Socrates sa mitolohyang naglalaman
ng mga katotohanang kwento tungkol sa mga Diyos
ay imbensyon lamang ng mga makata, gayundin ang
imortalidad ng kaluluwa.
39. T.S. Eliot
Taglay ang buong pangalang Thomas Stearns Eliot
siya ay nakilala dahil sa kanyang sanaysay na
Tradisyon at Pansariling Kakayahan na isang
kritisismo at ang orihinal ay nasusulat sa Ingles.
Kay Eliot, ang tula ay di dapat isalaly sa kahalagahan
at kaigtingan ng damdamin o mga bahagi nito kundi
samatinding sining na nakapaloob sa pamaraan ng
pagkakasulat.
40. Sinalungat din niya ang paliwanag ni Wordsworth na
nag panulaan ay emosyong nagpapagunita sa
katahimikan.
Ang paghahanap ng Obhetibong Koroleytib dahil sa
pagwawalang bahala sa tao o dehumanisasyon ang
nilikha ni Eliot na siyang kumakatawan lamang sa
pangkat ng iba’t-ibang pagpapahayag ng damdamin
ng tao ukol sa sining.
41. Pinaniniwalaan ni Eliot ang dissociation of sensibility
matapos niyang sabihing ang mga makata na ating
sibilisasyon na narito pa sa kasalukuyan ay dapat
maging difficult. Ayon pa sa kanya:
The poet must become more and more
comprehensive, more allusive, more indirect, in
order to force, to dislocate, if necessary
language into his meaning.