2. Ano ang kultura?
•Ayon kina Andersen at Taylor (2007),
ang kultura ay isang kumplikadong
sistema ng ugnayan na nagbibigay -
kahulugan sa paraan ng pamumuhay
ng isang grupong panlipunan o isang
lipunan sa kabuuan.
3. Ano ang kultura?
•Sa isang lipunan, binibigyang -
katwiran ng kultura ang maganda
sa hindi, ang tama sa mali at ang
mabuti sa masama.
4. Ano ang kultura?
•Panopio (2007) “ito ang kabuuang
konseptong sangkap sa pamumuhay ng
mga tao, ang batayan ng kilos at gawi,
at ang kabuuang gawain ng tao”.
5. Ano ang kultura?
•Mooney (2011), ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan
ng pamumuhay na naglalarawan sa
isang lipunan.
6. Ano ang dalawang uri ng kultura?
1. MATERYAL
gusali, likhang – sining,
kagamitan at iba pang bagay na
nakikita at nahahawakan at
gawa o nilikha (Panopio, 2007)
7.
8.
9. Ano ang dalawang uri ng kultura?
2. DI - MATERYAL
Kabilang dito ang batas, gawi, ideya,
paniniwala, at norms ng isang grupo ng
tao. Hindi tulad ng materyal na kultura,
hindi ito nahahawakan subalit ito ay
maaaring makita o maobserbahan.
(Mooney, 2011)
12. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
1. PANINIWALA O BELIEFS
kahulugan at paliwanag
tungkol sa pinaniniwalaan
at tinatanggap na totoo.
13. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
1. PANINIWALA O BELIEFS
Maituturing itong batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o
lipunan sa kabuuan.
14. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
1. PANINIWALA O BELIEFS
Nakakaapekto sa mga isyu at
hamong panlipunan ang paniniwala
ng isang indibiduwal o pangkat ng
tao.
15.
16. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
2. PAGPAPAHALAGA O VALUES
Maituturing itong batayan ng isang
grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano
ang katanggap-tanggap at kung ano ang
hindi. Batayan ito kung ano ang tama at
mali, maganda at kung ano ang nararapat at
hindi nararapat (Mooney, 2011)
17.
18. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
3. NORMS
mga asal, kilos, o gawi na binuo
at nagsisilbing pamantayan sa isang
lipunan.
19. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
3. NORMS
nagsisilbing batayan ng mga
ugali, aksyon, at pakikitungo ng
isang indibiduwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.
22. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
3. NORMS
Ang kawalan ng batayan ng
pagkilos sa isang lipunan ay
maaaring magdulot ng kaguluhan.
23. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang
lipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.
24. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
4. SYMBOLS
ang paglalapat ng kahulugan
sa isang bagay ng mga taong
gumagamit dito. (White, 1949)
25. Anu – ano ang mga elemento ng kultura?
4. SYMBOLS
Kung walang simbolo, walang
magaganap na komunikasyon at
hindi rin magiging posible ang
interaksiyon ng mga tao sa lipunan.
26.
27.
28.
29. MODIFIED TRUE OR FALSE
Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad
ng pangungusap; kung ito ay mali, itama ang
salitang may salungguhit upang maiwasto ang
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa
kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan.
30. MODIFIED TRUE OR FALSE
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento
ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi
na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang
lipunan.
31. MODIFIED TRUE OR FALSE
_________3. Ang pagpapahalaga ay batayan
ng pagkilos na katanggap - tanggap sa grupo ng
mga tao o lipunan sa kabuuan.
32. MODIFIED TRUE OR FALSE
__________4. Ang hindi pagsunod sa
norms ng isang lipunan ay may kaukulang
kaparusahan o sanctions.
33. MODIFIED TRUE OR FALSE
__________5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang
lipunan.