7. Cyrus’ Cylinder
– Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang
mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
– Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na
maaari silang pumili ng sariling relihiyon.
– Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay ng
lahat ng lahi.
8. Cyrus’ Cylinder
– Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na
“Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of
human rights.”
– Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba
pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
– Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa
ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan
tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.
9. Magna Carta
– Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England,
sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga England.
– Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at
bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman.
– Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng
hari ng bansa.
10. Petition of Right
– Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition
of Right na naglalaman ng mga karapatan
tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang
walang pahintulot ng Parliament, pagbawal
sa pagkulong nang walang sapat na dahilan,
at hindi pagdeklara ng batas militar sa
panahon ng kapayapaan.
Haring Charles I ng
England
11. Bill of Rights
– Noong 1787, inaprubahan ng United States
Congress ang Saligang-batas ng kanilang bansa.
– Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang
pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang
iba pang taong nanirahan sa bansa.
George Mason
12. Declaration of the Rights of the
Man and of the Citizen
– Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na
wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis
XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the
Rights of Man and of the Citizenna naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
13. The First Geneva Convention
– Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-
anim na Europeong bansa at ilang estado ng United
States sa Geneva, Switzerland.
– Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may
layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
Henri Dunant
14. Noong 1948, itinatag ng United Nations ang
Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng United
States. Sa pamamagitan ng naturang
komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.
15. DOKUMENTO MGA NAKAPALOOB NG
KARAPATANG PANTAO
CYRUS CYLINDER
MAGNA CARTA
PETITION OF RIGHT
BILL OF RIGHTS
DECLARATION OF THE RIGHTS OF
THE MAN AND OF THE CITIZEN
THE FIRST GENEVA CONVENTION
16. Kompletuhin ang datos na hinihingi sa
bawat card. Pagkatapos, sagutin ang
sumusunod na tanong.
Mga Dokumento
sa Pagkabuo ng
mga Karapatang
Pantao
*
*
*
Mga
Nakapaloob na
Karapatang
Pantao
*
*
*
Kahalagahan
ng mga
Karapatang
Pantao
*
*
*
Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang dokumentong may
kaugnayan sa mga karapatang-pantao? Bakit?
Hinweis der Redaktion
1. Natutukoy ang konsepto ng pagkakabuo ng karapatang pantao; at
2. nakauugnay ng mga sinaunang karapatang pantao sa kasalukuyang karapatang pantao.