1. BUNGA NG PAGTATAKSIL?
Ni: Jenita D. Guinoo
…Arrray…manganganak na yata ako..ang sakit sakit na ng aking
tiyan…Lito…tulungan mo ako…manganganak na yata ako…tulungan
mo ako…Nakikita ni Lito ang asawa na nahihirapan nang lumakad ngunit
waring parang walang naririnig ito. Hindi man lamang niya iniwan ang
kanyang ginagawa. Maawa ka Lito! Tulungan mo ako please…pumutok
na ang panubigan ko..ahhh! Noon lamang parang nagising si Lito,agad
niyang pinangko ang asawa na nanghihina na dahil sa sobrang sakit ng
tiyan. Tulungan niyo kami…manganganak na ang asawa ko! Iligtas niyo
po siya…tulungan niyo po ang asawa ko.
Iyon lamang ang aking naalala, nag-alala pa rin pala ang aking
asawa sa aking kalagayan. Naramdaman kong parang may bumabara sa
aking lalamunan nang maaalala ang nangyari sa amin kung kaya’t nag-iba
na ang damdamin sa akin ng aking asawa. Nawala na ang dati niyang
malambing na pagtawag sa akin, ang pagkamaalalahanin niya ay
napalitan na ngayon ng poot, poot na kailanman ay hindi nawawala ang
ningas nito. Hanggang kailan kaya ako magdurusa sa kasalanang aking
nagawa?
Dati, ang saya-saya namin. Walang lakad na hindi kami magkasama
kaya nga binansagan kaming kambal-tuko dahil sa hindi talaga
naghihiwalay. Kung nasaan siya ay nandoon din ako.
2. Bilang Executive Branch Manager ay naidestino ako ng isang
buwan sa isang branch ng San Jose na nangangailangan ng masusi’t
maingat na pamamahala. Pinag-aaralan kong mabuti ang kalagayan ng
finances at natukoy ko ang naging sanhi ng suliranin hanggang sa
naisaayos ko ang gusot ng kompanya. Sa loob ng ilang araw na
pamamalagi roon ay nakagamayan ko na ng loob ang aking mga ka-
opesina. Kapag nalalaman nilang hindi ako nakauwi ay agad akong
iniimbitahang mag-jamming. Minsan lamang ako sumasama sa kanila
ngunit isang gabi noon ay hindi na ako nakaiwas sa pangungulit nila kaya
napasubo ako sa inuman. Medyo nahilo na ako sa dami ng aking naiinom.
Habang nagkukwentuhan kami ay bigla na lamang may lumapit na isang
kakilala. Hindi ko agad siyang nakilala ngunit nang matamaan ang
kanyang mukha ng liwanag ay napagtanto kong ang akin palang dating
kasintahan. Bigla na lamang sumikdo ang aking puso. Para akong
natuklaw nang magtama ang aming mga mata. Binawi ko ang aking tingin
at ipinako ko sa aking mga kasamahang nagkukwentuhan. Hindi ko siya
pinansin ngunit ilang sandali lamang ay lumapit siya’t nagpakilala na
kaibigan. Parang natilihan ako sa bigla niyang paglapit. Napaurong ako
sa aking kinauupuan at hindi nakaimik sa kanyang mga katanungan.
Marami sana akong itatanong sa kanya ngunit ang namutawi lamang sa
aking mga labi ay “Hi”, Ba’t ka nakarating dito? Paano mo nalamang
nandito ako? Nagkibit lamang siya ng balikat na nakangiti habang
nakatingin sa akin. Ganyang-ganyan talaga siya kung tumingin sa akin
3. parang tumatagos sa kaibuturan ng aking puso. Nag-aalala ako, baka
maramdaman niyang kahit sa matagal na panahong hindi namin pagkikita
ay nananatili pa rin siyang nakapaloob sa aking puso. Pinakatitigan niya
ako na wari bang sinusuri pati ang aking kaluluwa. Ehem..ganito ba
lamang tayo, magtitinginan? Upang matanggal ang pag-aalangan,
uminom ako nang uminom. Hindi ko alam na naparami na pala ang
naiinom kong alak. Huntahan na kami nang huntahan, hindi ko na
mapigilan ang pagtawa, mapapahalakhak na ako. Pati siya ay nadadala sa
malakas kong pagtatawa. Isa-isang nagsisiuwian ang aking mga
kasamahan hanggang sa kami na lamang ang naiwan. Di nagtagal ay
nagpaalala na ang may-ari na magsasara na sila kaya napilitan kaming
umalis. Akala ko’y wala lamang ang mga nainom ko ngunit parang nahilo
ako sa aking biglaang pagtayo kaya inaalalayan niya ako. Habang
tumatakbo ang sasakyan niya ay panay ang tingin niya sa akin.
Napapangiti naman ako sa kanyang ginawi. Alam kong may
nararamdaman pa rin siya sa akin na gaya ng aking damdamin. Bigla
niyang kinabig ang manibela at huminto kami sa isang medyo madilim na
bahagi ng kalsada. Agad niya akong hinalikan na hindi naman nakahuma
dahil sa biglaan niyang ginawa. Napakapit ako sa kanya nang lalong mag-
aalab ang kanyang mga halik. Maririin,waring mapupugto ang aking
hininga. Binigyang laya namin ang aming nag-aalab na damdamin.
Kinabukasan ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
Napakabilis ng pangyayari!Takang-taka ang mga kasama ko kung bakit
4. ako naging tahimik, “hang-over” lamang kagabi..ang naging sagot ko sa
kanila. Natapos ang buong araw na gaya ng dati, sobrang dami ng gawaing
dapat tapusin. Nananakit iyong likod ko sa kauupo. Hindi ko
namamalayan na may mga mata palang nagmamasid sa akin sa may di-
kalayuan ng aming opesina.
Natapos ang buong buwan nang matagumpay. Nagawa ko ang
gawaing iniatang sa akin ng kompanya. Bilang ganti ng aking sakripisyo
ay binigyan ako ng incentives at parangal sa tagumpay na nagawa.
Naging madamdamin ang pagpapaalaman ng lahat ng empleyado,
pati ako ay napapasabay na ring napapaluha. Mami-miss ka namin, mam,
saad lahat ng kasamahan ko. Paalam na sa inyong lahat. Pagbubutihan
ninyo ang pagtatrabaho, sikapin ninyong umunlad ang ating negosyo.
Walang kabuhay-buhay ang pagtanggap ng aking asawa sa aking
pagdating. Parang hindi man lamang niya ako na-miss. Isang buwan
akong nawala ay wala man lang reaksyon! Naku, kakaiba talaga itong
asawa ko.
Hanggang sa lumipas ang isang buwan, lumagpas sa inaasahang
araw ang aking buwanang dalaw. Nagbabago yata? Wala man lang akong
kahina-hinala na ito’y palatandaan na pala na maaaring nagbunga ang
isang gabi naming pagsasama. Kinakabahan ako sa nangyari. Naaalala ko
nga palang mag-iisang buwan na mula nang magbalik ako sa aming
opesina. Paano ko ito sasabihin sa aking asawa. Paano ko ito ipapaalam
5. sa kanya. Alam kong magtataka siya kung bakit at sa anong paraan
nabuntis ako gayong lagi namang sinubaybayan ang aming “calendar”.
Sa malao’t madali ay lalaki rin ang aking tiyan kaya sinabi ko na sa
kanya nang walang patumpik-tumpik ang nangyaring pagkakamali. Wala
man lang siyang nasabi ngunit ramdam na ramdam ko ang matinding galit
na nag-uumapaw sa kanya. Pilit niya itong nilalabanan. Hanggang sa
dahan-dahan ay ipinadarama niya sa akin ang kanyang galit. Kasabay ng
paglaki ng aking tiyan ang papatindi rin niyang pagpaparusa sa akin.
Lahat ay tinanggap ko. Halos halikan ko na ang kanyang mga paa para
lamang mapatawad niya ako sa aking pagkakamali. Ngunit lalo lamang
siyang nagmamatigas. Hindi lamang miminsan ang patago kong pag-iyak
sa mga pinaranas niya sa akin. Parang gusto na yata niyang ako’y
mamatay upang kasama ko ring mailibing ang bunga ng aking pagtataksil.
Lalaki po mam…sabi ng nurse sa akin. Napaka-cute ng
bata..manang-mana sa kanyang ama! Ako’y natitigilan sa aking narinig
mula sa nurse…kamukhang-kamukha po sa ama niya sabay alis na dala-
dala ang kanyang mga gamit. May ligaya akong nararamdaman sa aking
puso, hindi ko man tiyak pero ako’y natutuwa sa aking narinig. Agad kong
tiningnan ang sanggol at napaluha ako nang makitang kamukha nga niya
si Lito..ang aking asawa. Agad ko siyang kinulong sa aking mga bisig at
hinahalikan habang tumutulo ang aking luha sa sobrang saya ng aking
nararamdaman. Ang saya-saya ko! Hindi ko na mapigilan ang aking pag-
iiyak nang lumapit sa akin ang aking asawa at tiningnan niya ang mukha
6. ng sanggol. Pati rin siya ay nadadala na rin sa aking pag-iyak.
Napahagulgol siya na parang nawawalan ng lakas sa nasaksihan. Paano
kung may nangyari sa ating anak? Ang tanging namutawi sa kanyang mga
labi. Magkayakap naming hinahalikan ang bunga ng aming pag-iibigan.
Wakas!