ARALIN 24- MGA TUNGKULIN O PANANAGUTAN NG MAMAMAYANG PILIPINO
1. ARALIN 24
MGA TUNGKULIN O
PANANAGUTAN NG
MAMAMAYANG PILIPINO
ELVIE GUYANO-BUCAY
Guro sa Araling Panlipunan VI
Sa PAARALANG ELEMENTARYA NG CORTES
2. 1. MAAGAP NA PAGBAYAD NG BUWIS
Ang buwis ay ibinabayad ng
bawat mamamayang Pilipino na
may hanapbuhay at ari-arian sa
bansa. Ang buwis ay perang
panggugol ng pamahalaan para
sa mga proyektong nagtataguyod
sa kapakanan ng mga
mamamayan.
3. 2. PAGTULONG SA MGA NANGANAGAILANGAN
Tungkulin ng bawat mamamayan
na tumulong sa kapwa na
nangangailangan ng tulong sa
abot ng kanyang kakayahan. Ito
ay tungkuling panlipunan at
pansibiko
4. 3. PAGGALANG SA KARAPATAN NG IBA
Di dapat abusuhin an gating
sarilig karapatan at
kalayaan. Igalang din ang
karapatan at kalayaan ng
ibang tao.
5. 4. MAAYOS NA PAGGAMIT NG MGA ARI-ARIANG
PAMPUBLIKO
Tayo ay may tungkulin gamitin ng
maayos at pangangalagaan ang
mga gamit pampubliko tulad ng
paaralan, parke o liwasan, at iba
pa upang may maggamit din ang
mga mamamayan sa hinaharap.
6. 5. MATAPAT NA PAGLILINGKOD NG MGA
MANGGAGAWANG PAMPUBLIKO AT
PAMPRIBADO
Ang tungkuling ito ay maipakita sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
*Pagpasok sa takdang oras
*Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa
paggawa
*Pakikipagkapwa o pakikisama sa
mabubuting Gawain
7. 6. MAKATARUNGANG PAGGAMIT NG
KARAPATAN
Ang paghahanapbuhay na nakakapinsala sa
iba ay dapat ilipat sa pook na walang
mapipinsala o itigil kung kinakailangan.
Hindi natin pweding tirhan o ariin ang pag-
aari ng iba ng walang pahintulot ang may-
ari o pamahalaan. Hindi natin pweding
plitin ang iba na sumanib sa isang relihiyon.
Ito ay kalayaan niya ayon sa kanyang
paniniwala.
8. 7. PANGANGALAGA SA KALIKASAN
May tungkulin ang isang tao na
pangangalagaan ang kalikasan dahil ito ay
pinagkukunan ng kabuhayan ng marami.
Halimbawa: Ang pagtatanim ng puno at
pangangalaga sa iba pang likas na yaman ay
pagpapakita ng pagpapahalaga sa
kapaligiran, isa sa mga tungkulin ng mga
mamamayan.
9. 8. PAGGALANG SA BATAS
Tungkulin nating igalang ang batas at ang
may kapangyarihan. Kung wala ang mga
alagad ng batas, maaring mawala ang
kapanatagan ng kapayaapaan ng
pamayanan. Tungkulin nating tulungan sila
sa pagsasakatuparan ng batas. Tungkulin
din nating ipagbigay-alam sa kinauukulan
ang mga pulis at iba pang lingkod-bayan na
naliligaw ng landas.
10. 9. PAGPAPAUNLAD SA SARILI
Tungkulin nating mapaunlad ang ating
sarili upang maging kapaki-pakinabang
sa bansa. Dapat tayong maging yaman
ng bansa kaya’t kailangang mag-aral
ng mabuti, kumain ng sapat, at
magpahinga sa takdang oras. Ibahagi
natin sa iba an gating mga kaalaman,
kasanayan, at talino.
11. 10. MATAPAT AT MATALINONG PAGBOTO
Sa panahon ng halalan, gamitin
natin an gating karapatan sa
pagboto. Tungkulin natin na
mailagay sa posisyon ang mga
taong karapat-dapat upang
umunlad an gating pamahalaan at
bansa.